EXCITED na si Benjamin Alves na mapanood ng viewers ang pinakabagong offering ng GMA-7 na I Can See You.’ Bibida si Benjamin sa third installment ng drama anthology na The Promise na makakasama niya sina Paolo Contis, Andrea Torres, at Yasmien Kurdi.
Sa Instagram post ng aktor ay pinasalamatan niya ang GMA production team sa pagpapanatili ng safety ng lahat ng nasa set. “Great to be back on set! We were privileged enough to be one of the first to work under our ‘new normal ‘conditions. Applause to our GMA production for ensuring all of us are safe and prepared on set. Tuloy-tuloy na ito mga Kapuso! Excited na kami makasama kayo gabi-gabi.”
Ang I Can See You: The Promise ay kuwento ng isang byudong multi-millionaire na si Frank Agoncillo (Paolo) na mahuhulog ang loob sa isang aspiring artist na si Ivy Teodoro (Andrea). Si Benjamin ay gaganap bilang si Jude Agoncillo na pinsan at right-hand man ng karakter ni Paolo.
Mapapanood ang I Can See You ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda