Sunday , January 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BTS, PINAKASIKAT NA SA BUONG MUNDO (Kahit ayaw isali sa major categories ng Music Video Awards)

MATAAS na rin ang bilang ng Covid-19 cases sa South Korea at may lockdown na rin sa bansa, lalo na sa capital city ng Seoul, pero ang mga ito ay ‘di nagiging hadlang para tanghaling pinakasikat na sa buong mundo ang grupong BTS mula sa naturang bansa.

Sa halos katatapos lang na 2020 Video Music Awards (VMA), nagwagi sila sa apat na kategorya, kabilang na ang pinakahahangad ng marami na mapanalunan, ang Best Pop. Ang tatlo pa nilang napanalunan ay ang Best Group, Best Choreography, at Best K-pop para sa music video ng kanta nilang  ON.

Ang BTS ay ang kauna-unahang Asian group na na-nominate sa kategoryang Best Pop at kauna-unahan din silang nagwagi. Ang Best Pop ay batay sa boto ng fans. Pero noong 2019 VMA, ang BTS din ang itinanghal na Best K-pop.

Maituturing din na parangal sa BTS ang pangyayaring itinampok sila sa isang online video performance bilang guest sa awards night noong August 26 sa Amerika.

Dahil sa pandemya ay ‘di sila dumalo ng personal sa 2020 VMA bagama’t nakadalo sila sa awards night last year. Sa isang studio sa South Korea sila nag-perform ng latest music video nilang Dynamite na nangunguna na rin sa mga global chart sa ngayon lalo pa’t ito ang kauna-unahang kanta nila na Ingles ang lyrics.

Para magmukhang nasa Amerika sila nitong 2020 VMA, ang guest performance nila ay nilagyan ng background na pawang mga tanawin sa New York. Nagtapos ang performance nila sa isang napakabonggang fireworks.

Tuwang-tuwa ang ARMY, na siyang bansag ng BTS sa mga fan nila sa buong mundo. Ang fireworks na ‘yon ay itinuturing ng ARMY na pambawi sa mistulang pangmamaliit ng MTV, ang organizer ng MVA, sa ‘di pagkasali sa BTS at sa iba pang foreign groups sa major categories ng MVA na gaya ng Artist of the Year, Song of the Year, at Video of the Year. Sa mga napagwagian ng BTS ngayong 2020 MVA, ang Best Pop lang ang itinuturing na kabilang sa major categories.

May mga kritikong Amerikano na nagsasabing ang accomplishments ng BST ay higit pa sa accomplishments ng ilan sa mga nominado sa taon na ito para sa major awards.

Ilang buwan bago idaos ang 2020 VMA, ang BTS ay kinilala na bilang the first band since the Beatles to land a total of three No.1 albums in a single year. Ang video nilang Boy With Luv ay nagtala ng karangalang “the biggest 24-hour debut of any music video on YouTube in history with 74.6 million views.” Ang Need to Calm Down ni Taylor Swift ay pumangalawa sa BTS kaya’t nakapagtatakang nominado siya sa Video of the Year sa 2020 MVA. 

Ang singer na si Halsey ay may kolaborasyon sa BTS na nominado sa 2020 MVA pero nominado rin siya sa kategoryang Artist of the Year, pati na sina Billie Eilish at ang Jonas Brothers–pero lahat sila ay tinalo ng BTS sa album sales na ang album ng grupo ay ang Map of the Soul: Persona at sa video stream ng kanta nilang Boy With Luv.

Nagniningning ang Asian pop music artists sa buong mundo ngayon at iyon ay dahil sa BTS na binubuo ng mga kabataang lalaki na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook. 

Sa South Korea, mas kilala sila sa pangalan na Bangtan Sonyeondan na ang ibig sabihin ay Bulletproof Boy Scouts.

May iba pa rin namang mga grupo mula sa South Korea na sikat na sikat na rin sa buong mundo. Nawa’y isang araw ay may grupong Pinoy din na maging kasing sikat nila.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED Rni Rommel Gonzales WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean …

Mika Salamanca Will Ashley Bianca de Vera Dustin Yu

Will mas pinaboran si Mika; Bianca kay Dustin 

I-FLEXni Jun Nardo LUMALABAS na ang katotohanan na mas lamang si Mika Salamanca kay Will Ashley kaysa kay Bianca …

Alden Richards

Alden abala sa kabi-kabilang proyekto

MA at PAni Rommel Placente NAKABALIK na sa Pilipinas si Alden Richards at ang kanyang pamilya after …

Bugoy Carino EJ Laure Scarlet

Bugoy nakaramdam ng pagsisisi noong magkaanak sa murang edad  

MA at PAni Rommel Placente SA edad na 16 ay nagka-baby na si Bugoy Carino mula kay EJ …