Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Frankie Pangilinan, tamang ‘di mag-react sa ipinagtapat ni Sarah Balabagan

TAMA naman si Frankie Pangilinan na ‘di siya nagri-react hanggang ngayon tungkol sa sa pagtatapat ng dating  overseas Filipino worker (OFW) na si Sarah Balabagan na ang GMA 7 broadcaster na si Arnold Clavio ang  ama ng isinilang n’yang sanggol na babae noong 1998.

May ilang netizens ang nagtanong sa pamamagitan ng social media kung bakit walang kibo si Frankie tungkol sa pagtatapat ni Sarah. May mga pumuna kasi na 17 years old pa lang si Sarah noong mahiwaga siyang nagdalantao at halos kagagaling pa lang sa pagkakakulong sa United Arab Emirates sa Middle East kaya’t parang pagsasamantala sa kainosentehan n’ya at psychological condition n’ya noon ang bigla n’yang pagdadalantao. Ibinintang ng mga tsismoso at tsismosa sa mga sikat na lalaking naging malapit kay Sarah noong panahong ‘yon. At dahil sa pag-aabala ni Frankie noong mga nakaraang buwan laban sa pagsasamantala sa mga babae, mukhang siya agad ang naisip ng ilang netizen na magpu-post tungkol sa nangyari kay Sarah.

At isa nga sa mga natsismis noong 1998 na posibleng ama ng nasa sinapupunan ni Sarah ay si Arnold na unang nakilala si Sarah noong nasa preso pa ito sa UAE dahil ipinadala siya roon ng GMA 7 para i-cover ang istorya ng OFW na naging katulong doon sa edad na 14 (dahil dinaya ng recruitment agency ang edad n’ya at ginawang 28).

Magtu-22 years old na ang panganay na anak na iyon ni Sarah at 19 years old pa lang si Frankie. Malamang na kung hindi pa nagsalita noong nakaraang linggo si Sarah tungkol sa mahiwagang pagdadalantao n’ya noong 1997-1998, ni hindi papasok sa kamalayan ni Frankie ang pangalan ng dating OFW na nakulong sa United Arab Emirate noong 1995.

Ang pagkakapatay umano ni Sarah sa isang employer n’ya sa naturang bansa ang dahilan ng pagkakakulong n’ya. Sinaksak daw n’ya ng maraming ulit ang matandang employer n’yang nagtangkang gumahasa sa kanya noong 1994.

Malinaw na paslit pa si Frankie nang pinagkakaguluhan si Sarah dahil sa mga naganap sa buhay n’ya, kabilang na ang mahiwaga n’yang pagdadalantao noong 17 years old pa lang siya. Hindi naman siguro pinag-aaralan sa elementary at high school ang buhay ni Sarah kaya parang walang dahilan na maging pamilyar ang panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa buhay ni Sarah.

Magmumukhang pumapapel lang si Frankie kung magku-comment siya sa isang isyu na halos wala nga siyang impormasyon.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …