Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sakit ni Duterte inaming lumalala

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may abiso ang kanyang doktor na patungo na sa stage one cancer ang sakit niyang Barrett’s esophagus.

Sinabi ng Pangulo na pinayohan siya ng kanyang doktor na itigil ang pag-inom ng alak upang maiwasang lumubha ang kanyang sakit.

“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka ,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address kahapon.

“Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing stage one ka sa cancer. So hindi na rin ,” dagdag niya.

Tinalakay ng Pangulo ang kondisyon ng kanyang kalusugan nang binigyan diin ang komitment niya at iba pang may edad na miyembro ng gabinete laban sa korupsiyon.

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang… walang… walang ganang… wala nang ganang kumain ,” aniya.

“Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, ‘Ginawa ko man lahat,’” sabi niya.

Napaulat kamakailan na umano’y nagtungo siya sa Singapore para magpagamot ngunit itinanggi niya ito at nasa bahay lang niya sa Davao City nananatili mula noong unang linggo ng Agosto.

Marami rin ang nakapansin na naging matamlay, mabagal at mahina ang pagsasalita ng Pangulo sa ilang pagharap niya sa publiko.

May isang petisyon na nakahain sa Korte Suprema na humihiling na isiwalat sa bayan ang medical records ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …