Thursday , December 19 2024

Gary V., may payo: Isali natin ang Diyos sa ating buhay

“STUDENT, professionals, young and old alike, are going through the same crisis together. And my strongest advice would be to change your lenses and to add God into your way of thinking, your way of living, your way of speaking, your way of believing,” pahayag ng walang-kupas na singer na si Gary Valenciano kamakailan

Inihayag n’ya ito kaugnay ng dinaranas na pandemya ng lahat mula pa noong Marso. Ang ibig n’yang sabihin sa “change your lenses” ay magbago tayo ng pananaw.

Nagmungkahi rin naman siya kung paano gagawin ‘yon ng lahat: idagdag natin ang Diyos sa paraan natin ng pag-iisip, sa paraan ng ating pamumuhay, sa paraan ng ating pananalig. 

Sa email interview sa isang media writer ginawa ni Gary ang paglalahad ng mga saloobin tungkol sa pinagdaraanan ng buong mundo.

Pero sa mistulang pagsasabi n’ya na umasa tayo nang matindi at malaki sa Diyos, ineengganyo rin n’ya ang lahat na maging kasangkapan at daluyan ng Diyos para sa kabutihang ipinagkakaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin.

Nasa kamalayan naman ni Gary na, “people are getting sick, families are losing their livelihoods and are unable to have their children enrolled this school year.”

Pagbibigay-diin pa n’ya: “The pandemic needs are huge; the needs are never-ending. I’m talking about the cause of the front-liners, the urban poor and the children who need to be protected.”

At ‘yon naman ang dahilan kung bakit patuloy n’yang ginagamit ang ginintuan n’yang tinig sa mga proyektong nagbibigay-inspirasyon sa madla na magkaisa at magmalasakit sa kapwa. Katatapos lang ni Gary gawin ang online show na Faith, Love, Hope 2, isang fundraising para sa scholarship  fund ng ABS-CBN Sagip Kapamilya project.

Inasahan n’yang dahil sa pagtatanghal na ‘yon ay, “the viewers felt blessed, encouraged and lifted up.”

In the past six months, Gary has helped raise over P13-M through his own shows and other fundraisers he took part in like Bayanihan, Musikahan and Buhat Paglaum.

But he insists that the credit is not his, but the kindhearted, compassionate Filipinos. “I was just a conduit to sound off what I know many people were already looking for—means or ways to help anyone in need. It was the viewers, the fans, the donors who made it happen.” 

Inilahad din ng 56 taong gulang ng mang-await ang isang mabuting epekto sa kanya ng kwarantina.

“I believe that if we’re able to keep still and look deeper we will also allow ourselves to open up to whatever God is trying to tell us: How we should live our lives with our families; how we should treasure our friends; what should we be working for; and what we should be doing with all the strengths that He’s given us with our mental, physical and creative abilities,” pagsusuma n’ya. 

At kung may maibibigay nga siyang payo sa madla sa panahong ito, ‘yon ay: “Factor God into the equation.”

Sa puntong ‘yon n’ya ipinroklamang: “… My strongest advice would be to change your lenses and to add God into your way of thinking, your way of living, your way of speaking, your way of believing.” 

Mapayapa, malusog, masigla, magmalasakit, at matinding nananalig sa Diyos si Gary sa panahong ito. Hinahayaan din n’yang dumaloy ang kabutihan ng Diyos sa madla sa pamamagitan n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *