SWEETNESS overload ang inihandang surprise celebration ni Sheena Halili para sa asawang si Jeron Manzanero sa kanilang 3rd anniversary. Hindi inasahan ni Jeron na magse-celebrate pa sila ng kanilang anibersaryo ng pagiging mag-boyfriend-girlfriend ngayong kasal na sila.
Pero “pasaway” ang kanyang misis! Kahit na nagdadalang-tao, hindi naging hadlang iyon para kay Sheena na maghanda ng isang simpleng sorpresa.
Ibinahagi ito ni Jeron sa kanyang Instagram. “My girl surprised me today! We actually agreed that from now on, we’ll just celebrate our anniversary every 23rd of February (our wedding day)! But I guess, pareho kaming pasaway, cause we’re just sweet that way.”
Excited na ang dalawa sa paparating nilang baby girl!
Congrats at happy anniversary, Sheena at Jeron!
COOL JOE!
ni Joe Barrameda