Sunday , November 17 2024

Boy Abunda at Sharon Cuneta, nag-solo; Nag-prodyus ng sariling online show

NAINIP na kaya si Boy Abunda sa paghihintay na kunin siya ng GMA 7 o ng TV5 bilang talk show host kaya nagpasya na siyang magprodus na lang ng sariling talk show sa You Tube na pinamagatang Talk About Talk na inilunsad na n’ya kamakailan?

Sapantaha lang naman namin na naghintay ang bantog na talk show host ng alok mula noong tuluyan nang nawalan ng prangkisa ang network na pag-aari ng angkan ng mga Lopez. Sa tingin naman namin ay lohikal ang sapantaha namin-dahil ano pa nga ba ang gagawin ng isang napakasikat na tao ‘pag wala na siyang trabaho? Alangan naman na kumatok siya sa mga network at ialok ang sarili n’ya na magtrabaho roon?

May disadvantages na ialok mo ang iyong sarili para sa isang trabaho. Dahil ikaw ang nag-aalok, ‘di ka makahihirit ng mga kondisyong gusto mo. Ikaw ang binigyan ng kondisyon. Ikaw ang pepresyohan ng suweldo mo. ‘Di ka makahihirit (o makapagdidikta). Kasabihan nga sa Ingles, “beggars cannot be choosers.”

Walang ini-announce na producer ang Talk About Talk na bagong show ni Boy. Ibig sabihin, siya na rin ang producer nito. Siya na rin ang nagpasya na ang format ay mala-Bottomline n’ya sa ABS-CBN, na may panel of interrogators na parang mga host na rin ng show. Dahil siya na rin ang producer ng show, pwede n’yang inti-unting baguhin ‘yon ‘pag napuna n’yang ‘di kinakagat nang husto ng madla.

Oo nga pala, siguro ay walang kumausap kay Boy mula sa ABS-CBN management na pahinga na muna siya pero may seryosong balak sila na maglagay in the future ng talk show na siya ang host. Pwedeng ang format ay Tonight With Boy Abunda o Bottomline. Kaya ‘yun nga, nagpasya siyang magprodyus na lang ng sariling online talk show. Siguradong may kasunduan na sina Boy at ang You Tube kung paano pareho silang kikita sa pamamagitan ng show.

At sa ngayon, pwede rin nating isipin na ang pagkainip na maalok ng show ng kung ano mang network ang nagbunsod kay Sharon Cuneta na gumawa na rin nang sariling channel sa YouTube.

Parang ang lumalabas na bigtime producer na ngayon sa online television ay si Vice Ganda na gumawa na ng sariling website: ang viceganda.com. Kahit na ang Viva Entertainment ang production house ng website, si Vice calls the shots, ‘ika nga.

Ang Viva ang manager ni Vice sa showbiz, pero ‘pag tungkol sa mga show sa website n’ya, siya ang boss, siya ang masusunod. Posibleng ginusto ni Vice na siya ang maging decision-maker sa website n’ya para siguradong mabigyan ng slots sa programming ng TV website n’ya ang mga kaibigang taga-comedy bars na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng comedy bars bunsod na rin ng pandemya at ng kwarantina. Dakila naman ang layunin ni Vice.

Dahil buong website ang kanya at hindi isang channel lang sa You Tube, marami nga naman siyang mabibigyan ng hanapbuhay. Kasali na ang boyfriend n’yang si Ion Perez.

At ‘di naman umalis sa It’s Showtime si Vice. Regular pa rin siyang napanood sa pantanghaling pagtatanghal ng Kapamilya Channel. 

Parang wala namang hidwaang naging bunga ang pagkakaroon nina Boy at Sharon ng You Tube channels. Hindi naghahanap ng dagdag pang kaaway ang ABS-CBN. Sapat nang hindi kampi sa kanila ang mga taga-Congress na ‘di bumotong mai-renew ang franchise nila.

Sina Boy at Sharon man ay ‘di naghahanap ng makakagalit nila. Nilinaw nga ni Boy na kampi siya sa ABS-CBN sa pagkakaroon ng bagong franchise. Kaya lang daw ‘di siya nakapagsalita nang husto ay dahil bigla siyang nawalan ng venue ng pagpapahayag at nawalan ng trabaho.

Ipinasya n’yang manahimik sa kanyang pagdurusa, gaya ng pananahimik n’ya sa pagdurusa sa pagyao ng butihin n’yang ina.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *