Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stand For Truth, namamayagpag

ISA ang mobile journalism newscast na Stand For Truth sa mga itinuturing nating pangunahing source ng balita at impormasyon online. Kaya naman hindi na kataka-taka ang patuloy na pamamayagpag nito sa Facebook at YouTube.
Nitong July, pumalo sa 22.3 million views ang SFT sa official Facebook nito kahit ngayong taon lang nailunsad. Pasok sa list ng top videos nito ang two-part special report ni Atom Araullo na ‘Di Matapos Na Krisis: A Stand for Truth COVID-19 Mid-Year Report.
Patuloy din sa pag-arangkada ang SFT sa YouTube. May 2.3 million combined views ito para sa July mula sa GMA Public Affairs at GMA News channels.
Bukod kay Atom, napapanood din sa SFT ang GMA resident political analyst na si Richard Heydarian at ang mga mobile journalist na sina Nico Waje, Mj Geronimo, Jairo Bolledo, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy Lee, at Jm Encinas.
Napapanood tuwing 9:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes ang Stand for Truth sa kanilang official Facebook page at sa YouTube channels ng GMA News at GMA Public Affairs.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …

Blind Item, Mystery Man in Bed

2 pang aktor dagdag sa listahan ng Big Four video scandal 

I-FLEXni Jun Nardo PINATULAN na rin ng legit news program ang balita tungkol sa video …