NAGKAROON ng masayang virtual bonding session ang Kapuso actor at TV host na si Gil Cuerva sa kanyang fans at supporters.
Sa kanyang Kapuso Brigade Zoomustahan, ibinahagi ng aktor ang ilang personal stories tungkol sa kanya. Naikuwento niya sa fans na kung nagkataon na hindi siya naging artista, naging isa siyang sportscaster.
“Mahilig kasi ako sa sports. If hindi siguro ako artista, siguro magiging sportscaster ako or sports journalist,” ani Gil.
Isa ring option para sa kanya ang magtrabaho sa kanilang family business.
“Kung hindi ‘yun, my dad has a logistic business. Maybe that would be an option, to work for my dad. Pero ang hilig ko talaga ay sports. Especially basketball,” dagdag ng Taste Buddies host.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda