Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngayon ni Mikee, pang-inspire ng tao

ISANG bagong single ang hatid ni Mikee Quintos para sa lahat ng dumaranas ng pagsubok ngayon.  Ang single na Ngayon ay alay ng aktres/singer sa mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pandemya.

 

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Mikee na isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya ang pumanaw dahil sa Covid-19.

 

Kuwento niya, “When I heard the news, it was really sad. Nakakaiyak lang na ‘yung thought na walang burol, hindi pwedeng magburol. Inikot nila ‘yung coffin niya in a car sa barangay. Sobrang biglaan lang ng lahat. I’m praying for everyone who lost a loved one during COVID-19 pandemic.”   

 

Dagdag pa ng Encantadia star, ang single niya ay may hatid na mensahe tungkol sa pag-asa at pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.

 

“I really like how the tone sends a positive feeling. Parang good vibes siya. I wanted to inspire people na gamitin ‘yung time na mayroon tayo ngayon. Gawin na lahat ngayon ng hindi nila nagawa before. See the brighter side of things with everything that’s going on kahit ang lungkot ng news, kahit ang lungkot ng mga nangyayari sa atin, it’s up to us to make good news for ourselves.”

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …