Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chicken salad wrap recipe ni Chariz Solomon, patok sa viewers

SA online show ng Descendants of the Sun PH na DOTS How You Do It, nagpakitang-gilas  si Chariz Solomon sa kusina at ibinahagi sa viewers ang kanyang chicken salad wrap recipe.

 

Certified foodie talaga si Chariz at mahilig mag-try ng iba’t ibang klase ng pagkain at mag-experiment sa kitchen. Itinuro rin niya kung paano gawin ang homemade ranch dressing gamit ang mga ingredient na madaling hanapin sa grocery stores para hindi mahirapan ang mga gustong sumubok nito.

 

May mga dagdag pang techniques at tips na ipinakita si Chariz sa pagbabalot ng pita bread na natutuHan niya sa isang food business seminar. Co-owner kasi ang aktres ng pocket wrap business na Tikka Tikka kasama ang kapatid na lalaki. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit skilled siya sa pagluluto.

 

Bukod sa pagma-manage ng business niyang #FusionByCharizSolomon, abala rin si Chariz sa paghahatid ng saya sa kanyang fans sa Bubble Gang at YouTube channel na YouLOL ng GMA Network.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …