Sunday , November 17 2024

Ben & Ben, sikat na rin sa South Korea

MUKHANG ang Ben&Ben ang pinakamatagumpay ngayon na folk-pop band sa bansa. Kasi nga ay hindi rito lang sa Pilipinas kilala kundi pati sa South Korea na maraming banda naman ang sikat na sikat sa ibang bansa (halimbawa’y ang BTS na pawang mga kabataang lalaki ang mga miyembro).

 

Ang Ben&Ben, na may siyam na miyembrong magkakahalong lalaki at babae (bagama’t mas marami ang lalaki sa babae), ay nakapasok kamakailan sa Melon Charts ng South Korea. Ito ay para sa awitin nilang Leaves.

 

Nadiskubre ng banda ang pagkasama nila sa South Korean music chart na ‘yon sa pamamagitan ng tweets ng fans nila rito sa Pilipinas.

 

Gulat na gulat, at galak na galak na nag-tweet din ang Ben&Ben ng: “I can’t believe it. We’re trending #1 in South Korea!” Nilakipan ng banda ang kanilang tweeted ng screenshot ng Melon Realtime Search Chart.”

 

On Facebook, they posted the same image but this time they described the feeling as “crazy.”

 

Sa paglaon, nadiskubre nilang kaya sila nag-number 1 sa chart ay dahil sa Korean pop idols na sina Mark Lee at Young K’s V Lives. Nag-post pala sa V Live nila tungkol sa Ben&Ben si Young K ng bansang DAY6 at si Mark Lee ng bansang NCT. 

 

Ang post ni Young K ay: “Ben&Ben’s ‘Leaves,’ it was amazing. Wow, I was surprised.

 

“Of course, anytime! I’d be honored [to do a collab with them] because they’re amazing.

 

“I was surprised! They have a great voice and great music.”

 

Si Mark naman ay pinatugtog ang Leaves ng Ben&Ben isang gabi at pagkarinig pa lang n’ya sa mga unang linya nito ay bumulalas na ng:

“Oh wow, everyone [listen to] the emotion [of the song].” 

 

Sinundan ‘yon ng pagpapasalamat sa Pinoy fans n’ya na nagrekomenda sa kanya na pakinggan ang Leaves ng Ben&Ben.

 

Ben&Ben was so pleased to hear the news from their supporters and shared snippets of the two live streams on their official Instagram page.

 

In it, they said, “This week, a lot of great K-pop acts discovered our music. Here is Young K of @day6kilogram and Mark of @NCT127!

 

“Thank you for appreciating ‘Leaves.’ We will listen to your music too.”

 

Pero may iba pang mga miyembro ng K-pop bands na humahanga sa Ben&Ben. K-pop idols like Red Velvet’s WendyNCT’s Renjun and ChenleThe Boyz, and ASTRO’s Cha Eunwoo have all declared their love for the band.

 

May netizens na nagsasabing panahon na nga siguro na makipag-collaborate ang Ben&Ben sa isang K-pop band.

 

Heto nga pala ang lyrics ng Leaves na tungkol sa pagmamahal at pagpapatawad:

 

I can think of all the times

You told me not to touch the light

I never thought that you would be the one

I couldn’t really justify

How you even thought it could be right

Cause everything we cherished is gone

And in the end can you tell me if

It was worth the try, so I can decide

Leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmest of seas

And all will be alright in time

Oh you never really love someone until, you learn to forgive

Try as hard as I might

To flee the shadows of the night

It haunts me and it makes me feel blue

But how can I try to hide

When every breath and every hour

I still end up thinking of you

And in the end everything we have makes it worth the fight

So I will hold on for as…

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *