PAGKATAPOS ng house tour, closet tour naman ang latest vlog ni Gabbi Garcia.
Ipinasilip niya sa fans ang designer shoes, bags, clothes, at ang mga go-to fashion items niya. Minimalist pero glam ang theme na napili niya para sa walk-in closet na may mini-lounge, multi-mirrored fitting room, at isang refreshments area para sa team niya.
Kapansin-pansin din ang pink accents at gold finishing sa buong closet.
Dagdag na kuwento ni Gabbi, kapag may out-of-the-country trip siya ay gusto niyang nag-uuwi ng souvenirs na kadalasan ay damit, bag, or sapatos.
Samantala, napapanood pa rin si Gabbi sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda