PATUNAY ang Instagram postpartum photo ni Mars Pa More host Iya Villania na hindi madali ang pinagdaraanan ng mga mommy na gaya niya matapos manganak.
July 18 ay isinilang ni Iya ang unica hija nila ng asawang si Drew Arellano, si baby Alana. Isang linggo makalipas ang panganganak ay ginulat ni Iya ang netizens sa kanyang after childbirth photo na kapansin-pansin ang mabilisang pagliit ng tiyan. Bukod sa pagkain ng masustansiya at exercise, nagpapa-breastfeed din si Iya na nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.
“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time. My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush,” ani Iya.
Samantala, makisaya kasama sina Iya at Camille Prats sa star-studded weeklong anniversary special ng Mars Pa More ngayong Linggo, 8:45 a.m., sa Kapuso Network.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda