Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong, pasok sa prinsipyo at adbokasiya ang mga ginagawang show sa GMA

TINIYAK nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang kanilang mga proyektong ginagawa ay pasok at malapit sa kanilang prinsipyo at adbokasiya. Patunay ang award-winning infotainment show ni Dingdong na Amazing Earth na layong magbigay kaalaman sa kalikasan at sa ating planetang ginagalawan.

 

Saksi rin ang lahat sa husay na ipinamalas ni Marian nang gumanap ito sa makasaysayang drama na Amaya.

 

Sa ika-70 anibersaryo ng GMA-7, pinasalamatan ng dalawa ang Kapuso Network sa patuloy na paggawa ng mga programang nagpapahalaga sa kalikasan at kultura ng bansa.

 

“Lahat tayo ay nakatira sa iisang mundo kaya rito sa GMA layon din nating bigyan ng pagpapahalaga ang ating kalikasan at ating kultura. Para magkaroon tayong lahat ng mas malalim na kamalayan at mahikayat ang lahat na pangalagaan ito,” anang Kapuso talent.

 

Napapanood si Dingdong sa Amazing Earth tuwing Linggo, 5:25 p.m., bago-mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …