Thursday , December 19 2024

Aljur, binansagang “insensitive” sa pahayag na it’s beyond me, their fight is their fight

“UTTERLY insensitive.”

 

Iyan ang unang reaksiyon ng talent manager-entertainment website columnist na si Noel Ferrer sa pahayag ni Aljur Abrenica tungkol sa paninindigan n’ya sa pagkawala ng broadcast franchise ng ABS-CBN na isa siyang contract actor.

 

“Walang pakiramdam” o “Walang malasakit” ang dalawang posibleng salin sa Tagalog ng pahayag ni Noel. 

 

Heto ang pahayag ni Aljur:  “Actually, pro-franchise po ako. Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin.

 

“Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.”

 

Ayon pa kay Aljur, isang magandang oportunidad na rin ang nangyari “to cleanse…and to get better” para sa ABS-CBN sa larangan ng pagseserbisyo nito.

 

Sa tunog ng pagsasalita ni Aljur na naniniwala siyang matimbang ang mga pagkukulang ng network kaya pinagkaitan ito ng prangkisa ng Kamara.

 

Noong July 24, sa online press conference ng bago niyang pelikula, Escape from Mamasapano ginawa ang mga pahayag na ‘yan bilang sagot sa tanong ng mga reporter.

 

Sinabi niya ang mga iyan sa kabila ng pakikipaglaban ng maraming Kapamilya stars and employees na ibalik sa ere ang ABS-CBN at ang malawakang retrenchment sa broadcast giant.

 

Sa kolum na Troika sa entertainment website na PEP. ph ibinahagi ni Noel ang opinyon n’ya tungkol sa pahayag ng aktor. Tatlong media writers ang regular na nagsusulat ng Troika. Ang dalawa pa ay ang dating tabloid entertainment editor na si Jerry Olea at ang DZRH broadcaster na si Gorgy Rula. 

 

Si Lolit Solis, isa pang talent manager na media columnist din, ang naniniwalang “insensitive” ang mga pahayag ni Aljur.

 

Ani Lolit sa Instagram post n’ya na lumalabas din bilang kolum n’ya sa isang tabloid: “Para ngang very insensitive kung iisipin mo, dahil active star siya ng estasyon. Dapat kasi kay Aljur iniisip muna ang tanong bago magbigay ng sagot. Puwede naman i-word niya nang maganda dahil baka hindi naman ganoon ka-blunt ang ibig niyang isagot. Hindi mo naman sasabihin out of context dahil iyon mismo ang pagkakasabi n’ya.”

 

Dagdag pa ni Lolit: “Sayang dahil magaganda ang mga project na ginagawa niya sa ABS-CBN. Hindi mo masisisi ang estasyon kung sakali ipagtampo nila ang comment na ito ni Aljur Abrenica. 

 

“Dapat bigyan niya ito ng magandang paliwanag kung bakit niya nasabi, at next time, medyo hinay-hinay lang, sensitive ngayon ang paligid, madaling bigyan ng kulay ang anuman sinasabi at ginagawa.”

 

Si Noel nga pala ay sinipi pa sa post ng Troika bilang bahagi ng paninindigan n’ya ang pahayag ng isang taga-ABS-CBN.

 

Heto ang siping ‘yon: “Tuloy, ang kaibigan kong si Jet Valle, na taga-ABS-CBN, ay nakapagbitaw ng ganitong salita tungkol kay Aljur: “Guwapo sana kaya lang…..

 

“a) bobo

 

“b) makasarili

 

“c) masama ang ugali

 

“d) all of the above”

 

Pero talagang ‘di-natutuwa ang PEP kay Aljur. Heto ang isinulat ng PEP caption writer para sa litrato nina Aljur at Liza Soberano na may one-word reaction ng pagdaramdam sa mga pahayag ni Aljur: “A-lister Liza Soberano (left) is among the first high-profile Kapamilya celebrities to appeal to House lawmakers for a new franchise for ABS-CBN. Meanwhile, middle-level Kapamilya star Aljur Abrenica (right), says of his home network’s franchise woes, “their fight is their fight.”

 

Parang isang character actor “lang” ang turing ng PEP kay Aljur na may record na ring tinutuklaw ang “hands that feed him,” ‘ika nga.

 

Actually, sa Kapuso Network nagsimula si Aljur bilang winner sa isang contest doon. Pero noong 2014, nag-file siya ng reklamo sa korte para ikansela ang exclusive contract niya sa Kapuso Network, na nagpasikat sa kanya. Pero tinapos din naman n’ya ang kontrata bago siya lumipat  sa ABS-CBN.

 

Manugang ni Robin Padilla si Aljur na ang asawa ay si Kylie Padilla.

Maraming netizens ang nagsabing mukhang naimpluwensyahan na si Aljur ng political beliefs ni Robin na hindi ikinakaila na supporter siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Noong February ng taong ito, nabatikos si Robin dahil sa pinagsasabi niya tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN. Kapareho ng kay Robin ang mga opinyon ni Aljur sa issue.

 

Sabi noon ni Robin, pabor siyang mabigyan ng prangkisa ang network, pero dapat ayusin muna ng kompanya ang working conditions ng mga empleado nito.

 

Samantala, matagal nang iniuugnay ang Pangulo sa pagpapasara sa ABS-CBN.

 

Mula noong 2017, paulit-ulit na nagbanta si Duterte na titiyakin niyang hindi mabibigyan ng Kamara ng bagong prangkisa ang mga Lopez, na nagmamay-ari ng giant broadcasting network.

 

Ayon sa Pangulo, niloko siya ng network nang hindi ipalabas ang  campaign ads niya noong 2016, kahit pa nabayaran na niya ang mga ito.

 

Sa kabila ng pag-aayos nina Duterte at ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak, nagkatotoo pa rin ang banta ng Pangulo. Natalo sa Kongreso ang petisyon na i-renew ang prangkisa ng network.

 

Mistulang pagsasaka na ang hanapbuhay ni Robin ngayon. May bago nga siyang programa sa pagsasaka sa Eagle Broadcasting Network: ang Unlad, Kaagapay sa Hanapbuhay. Tuwing Linggo ng gabi at Sabado ng umaga ipinalalabas ang programa.

 

Dahil hindi na nag-aartista si Robin, wala siyang dahilan para humarap sa media at matanong kung ano ang pakiramdam n’ya na sa Agosto 31 ay napakaraming empleado ng ABS-CBN ang mawawalan na ng hanapbuhay dahil wala nang franchise ang network para maituloy ang malawakang pagbu-broadcast.

 

Ni sa Instagram n’ya ay ‘di nagko-comment si Robin tungkol sa nangyari sa ABS-CBN franchise.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *