HONORED si Alden Richards na maging ambassador ng BIDA Solusyon campaign ng Department of Health (DOH) laban sa Covid-19.
Ayon kay Alden, ang BIDA campaign ay nagpapaalala sa mga tao ng basic practices para maiwasan ang Covid-19.
“Napakadaling tandaan ng ‘BIDA Solusyon’ acronym. So, B -bawal ang walang mask kapag lumalabas. I – i-sanitize ang mga bagay at iwas hawak sa mga bagay sa labas. D – dumistansiya ng one meter sa ibang tao and that’s physical distancing na ipino-promote naman talaga ng DOH ever since the Covid-19 started. A, – alamin ang tamang impormasyon. With social media now, sobrang dali ng access sa information.”
Paalala ni Alden sa panahon ngayon, dapat maging maingat ang netizens mula sa paniniwala at pagkakalat ng fake news.
Aniya, “Ang dali ng access sa fake news ngayon, so it’s really important for us to remember na we always have to rely on official institutions na makapag-announce ng mga bagay hinggil sa pagprotekta sa atin at ‘yung laban natin sa Covid-19.”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda