Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super Tekla, pinaalalahanan ni Willie

MATAPOS ang mahabang panahon na hindi sila nagkakausap, halo-halong emosyon ang sumalubong sa muling paghaharap nina Wowowin host Willie Revillame at Super Tekla.

 

Bumisita si Tekla sa Wowowin sa imbitasyon ni Kuya Wil nang malamang may pagsubok na pinagdaraanan  ang pamilya nito. Nangako si Kuya Wil na tutulungan ang komedyante para maipagamot ang bagong silang na anak na si Baby Angelo.

 

Emosyonal ang naging pag-uusap ng dalawa, at aminado si Tekla na sa una ay nahiya pa siyang lumapit kay Kuya Wil.

 

“Alam mo Kuya, nag-aalangan ako. Pero nanaig pa rin sa akin, ‘Hindi, tutulungan ako ni Kuya Wil. Pagsasabihan ako niyon, pero alam ko ang puso niyon. Kumbaga, saksi ako noon, Kuya, eh, kahit tahimik lang ako noon sa “Wowowin.’”

 

Sa pagpapatawaran nila, pinaalalahanan din ni Willie si Tekla, “Anyway, ang importante ‘yung pagpapakumbaba. ‘Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Ipagdasal mo na sana lumaban ‘yung bata, ‘di ba?”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …