Sunday , November 17 2024

Piolo, maka-Duterte nga ba?

PRO-DUTERTE nga ba si Piolo Pascual? Nag-trending ang aktor sa Twitter kamakailan dahil sa posibilidad na pabor siya sa kasalukuyang administrasyon na matinding tinututulan na ng maraming mamamayan.

 

Ganoon ang suspetsa ng madla dahil sumama si Piolo sa team ni Direk Joyce Bernal na kukuha sana ng mga video sa Sagada at sa Banaue ilang araw lang ang nakararaan. Ang video footages ay ilalahok umano ni Direk Bernal sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte sa July 27.

 

Alam n’yo na sigurong sa parehong lugar ay tinanggihan ng mga opisyal na papasukin sila. At ‘yon ay ‘di dahil sa politika kundi para pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan doon laban sa Covid-19.

 

Halos walang Covid-19 cases sa dalawang bulubunduking bayan dahil kahit na ang mga turista ay ‘di nila pinapapasok. Nasa Sagada at Banaue ang Rice Terraces of the Philippines na pangunahing tourist attraction sa bansa. Matindi ang pagsunod ng mga mamamayan sa dalawang bayan sa pagsusuot ng face mask at pagsu-social distancing.

 

Hanggang ngayon ay walang pahayag si Piolo kung pro-Duterte nga siya o hindi. May mga nagsasabing okey lang naman kung maka-Duterte ang aktor pero wrong timing daw ‘yon dahil nagmumukha siyang taksil maski na sa mother studio n’yang ABS-CBN. Maraming beses na kasing nagpahayag si Pres. Duterte na hangga’t maaari ay ayaw na n’yang mabigyan ng bagong broadcast franchise ang Kapamilya Network. Isang beses lang n’yang sinabing ipinauubaya na n’ya sa Congress ang pagpapasya sa ABS-CBN franchise renewal na siya namang nararapat.

 

Posibleng sumama si Piolo sa team ni Direk Bernal pero may project siya kay Direk na walang kinalaman sa SONA ng pangulo. Pero habang isinusulat namin ito ay walang pahayag si Piolo kung bakit siya kasama sa grupo ni Direk Bernal na sumubok makapasok sa Sagada at Banaue pero nabigo nga sila.

 

Hindi naman maitatanggi ng aktor na kasama siya sa grupo. May inilabas ang Rappler na litrato n’ya sa Baguio City Hospital na nag-pi-fill-up ng mga dokumento tungkol sa kanyang kalusugan para mabigyan siya ng permission na tumuloy sa isa sa mga hotel sa Baguio bilang miyembro ng team ni Direk Bernal.

 

Ayon sa ulat ng Rappler noong July 9, galing ang litrato kay Ferdie Balanag na kaklase umano ni Direk Bernal sa University of the Philippines Baguio noon.

 

Samantala, habang isinusulat namin ito ay idinaraos ang summation hearing sa Congress tungkol sa mga napag-alaman ng mga congressmen at congresswomen tungkol sa ABS-CBN sa natapos nang 12 hearings nila. Sa hearing kahapon (July 9) nila pagpapasyahan kung kailan sila magbobotohan tungkol sa franchise renewal ng network.

 

Actually, ayon sa report ng Rappler, hindi lang si Piolo ang celebrity na kasama sa team ni Direk Bernal kundi pati na si Bela Padilla at ang sikat na architect-environmentalist na si Illac Diaz (na pamangkin ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz). Pero ‘di kinukuwestyon ng netizens ang pagsama nina Bella at Illac sa team ng direktorang nakatakdang magdirehe sa SONA sa pangalawang pagkakataon.

 

Mahirap na ‘di mapupuna sa panahong ito sakaling maka-Duterte nga si Piolo. Ito ang panahong maraming artista ang tutol sa mga aksiyon, pasya, at pagkukulang ng administrasyon.

 

Kamakailan ay sumali sina John Lloyd, Iza Calzado at iba pang artista sa isang video campaign na nagbababala na tumatahak ang kasalukuyang administrasyon sa diktadurya. The Great Dictator ang bansag sa kampanya dahil parody speech ito ng diktador na si Adolf Hitler sa pelikulang may ganoong titulo na likha ng banting na comedian-filmmaker na si Charlie Chaplin. Noong 1941 pa ipinalabas ang pelikula sa Amerika.

 

Ang dami ring artista ang tumutol sa pagpapasa ng Anti-Terror Bill na pinirmahan na kamakailan ng Pangulo para lubusan nang maging batas. Marami umanong probisyon ang Anti-Terror Law na lumalabas sa maraming human rights na protektado ng Konstitusyon.

 

May mga nakapuna na rin na parang ‘di aktibo si Piolo sa pagpu-promote ng renewal ng franchise ng network pero may panahon siyang sumama sa team ni Direk Bernal sa pagsugod sa napakalayong mga lugar.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *