Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike at Vicky, may back-to-back sa Sabado

BACK-to-back na special programs ang hatid ng GMA News pillars na sina Mike Enriquez at Vicky Morales sa Sabado, July 11.

 

Magbabalik-ere ang programa ni Vicky na Wish Ko Lang! habang si Mike naman ay pangungunahan ang espesyal na pagtatanghal ng Imbestigador na COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez. Parehong bagong episodes ang handog ng mga nasabing programa.

 

Ang pagbabalik ng Wish Ko Lang! ay talaga namang napapanahon. Hatid kasi ng show ni Vicky ang inspirasyon at pag-asa na higit nating kailangan ngayong patuloy pa rin tayong humaharap sa pandemya.

 

Excited na nga ang netizens na muling mapanood ang Wish Ko Lang. Sa social media, marami na rin ang nagpapadala ng kanilang kahilingan sa programa. Sigurado namang hindi tatantanan ng Imbestigador ang mga isyung kaugnay ng Covid-19.

 

Para sa first part ng report ni Mike, tututukan niya ang public transportation na unti-unti nang binubuksan matapos ang mahigit na dalawang buwang lockdown.

 

Abangan ang Wish Ko Lang! at Imbestigador ngayong Sabado, simula 4:00 p.m., sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …