Sunday , November 17 2024

Directors Guild, tutol sa astang pulis ng FDCP

#NoToFDCPolice

‘Yan ang hashtag message ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) bilang sagot sa Advisory 06 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga gumagawa ng pelikula at iba pang uri ng audio-visual productions, kabilang na ang mga film-TV commercials.

 

Sa pamamagitan ng mga probisyon ng Advisory 06, kumikilos ng parang pulisya ang FDCP sa pagpapatupad ng kung ano-anong regulasyon sa mga syuting ng pelikula at audiovisual productions na ‘di naman kasama sa mga responsibilidad ng FDCP. Ang Advisory 06 ay pinalabas ng FDCP noong mga huling araw ng nakaraang linggo.

 

Sa pormal na pahayag (statement) ng DGPI noong Lunes (June 29), binansagan ng organisasyon na “regulatory intrusions” ang mga ipinatutupad ng FDCP.

 

Ang DGPI ay pinamumunuan ni Paolo Villaluna at ang FDCP naman, na ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Office of the President, ay pinamumunuan ng dating aktres na si Liza Dino. 

 

Maraming kasapi sa DGPI na militante at ang ilan sa kanila ay nagpahayag agad ng suporta sa paninindigan ng samahan. Isa roon ay si Erik Matti na siyang nagmungkahing gamitin ang #NoToFDCPolice sa mga pahayag ng DGPI members at ng supporters nito. Hinihikayat ni Direk Matti ang lahat ng kasapi sa DGPI, pati na ang mga tagasubaybay ng pelikulang Filipino na ipahayag ang pagtutol nila sa umano’y pagmamalabis ng FDCP sa itinalagang sakop nito, at gamitin ang hashtag na #NoToFDCPolice.

 

Ang pagdi-develop ng pelikula bilang sining at kultura ang responsibilidad ng FDCP, ayon sa DGPI at hindi ang pangangasiwa sa operasyon ng mga kompanya ng pelikula.

 

Ang pangunahing tinututulan ng DGPI na probisyon ng Advisory 06 ay ang utos na kailangang iparehistro sa FDCP ng mga produksiyon ang mga detalye ng syuting na gagawin nila pitong araw bago magsimula ang pagtatrabaho nila.

 

Ayon kay Direk Matti, sa halip na makatulong sa industriya ng pelikula ngayong panahon ng pandemya at kwarantina ang mga pasya ng FDCP, lalo pang nililimitahan ng mga ito ang industriya. Ang mga salitang ginamit ng direktor ay: “further restrict our business.”

 

Kinuwestiyon din ng film production executive na si Bianca BalbuenaLiew ang utos na kailangang magparehistro bago makapagsyuting. Hindi siya naniniwalang para sa “safety and health” lang ang requirement na magparehistro. Iniugnay n’ya ang pagpaparehistro sa censorship at sa napipintong pag-aapruba ng Anti-Terror Bill dahil sa mga impormasyon na hinihingi sa registration form ng FDCP.

 

Pahayag ni Balbuena-Liew sa Facebook post n’ya noong June 29: “This registration process is very dangerous as it can lead to control and censorship, especially with this Anti-Terror Bill being passed…

 

“Republic Act 11332 mandates you to report to the Department of Health any cases concerning public health, which you can do directly. BUT the project registration form requires you to disclose information that are IRRELEVANT to public safety: budget, format, exhibition platform. Why should we be compelled to disclose information that are IRRELEVANT to public safety if the purpose is solely for health and safety? Also, DOH and/or DOLE [Department of Labor and Employment] do not require you to provide these information but the FDCP asked for this clause to be included…”

 

Tatlumpu’t isang taga-film industry ang sumuporta sa Facebook post na ‘yon ni Balbuena-Liew, isa ring production executive at misis ng direktor na si Khavn de la Cruz. 

 

Pagkakastigo naman ng direktorang si Baby Ruth Villarama sa FDCP chairperson sa Facebook post n’ya: “The guilds tried our best to align with you but you never listened. Please stick with your mandate and help the struggling film industry by developing. Not dictating. So sorry, NO.”

 

Mistulang hiyaw ng director/scriptwriter na si Joey Javier Reyes sa FDCP: “THE TIPPING POINT HAS BEEN REACHED. ENOUGH OF THE BULLSHIT. WE WILL NOT BE CONTROLLED.” Puno na raw sila sa mga kabulastugan ng FDCP. Hindi sila magpapakontrol.

 

Sa official statement ng DGPI, nanawagan sila sa mga ahensiya ng gobyerno na dumiretso na lang sa kanila at sa iba pang mga manggagawa sa industriya ng pelikula. “The FDCP does not necessarily represent film workers or producers,” giit ng DGPI.

 

Ang panawagan naman ni Direk Matti ay kailangang ayusin na ang industriya bago pa ito mangudngod sa lupa dahil sa kawalan ng kaalaman ng FDCP sa totoong kalagayan nito. Pahayag ng direktor sa Ingles: “It’s time we fix this ailing industry before this clueless FDCP runs us to the ground.”

 

Habang isinusulat namin ito ay wala kaming na-monitor na reaksiyon ng FDCP chairperson sa mistulang paghihimagsik ng DGPI. Pero pangkaraniwan nang ‘di siya nakikipagsagutan sa mga taga-industriya kapag tinututulan nila ang mga kilos at pasya ng FDCP. Hindi siya nagpapahayag ng reaction sa official Facebook page n’ya bilang hepe ng FDCP at ‘di rin siya nakikipag-ugnayan sa media.

 

Pero marami namang ulat sa FDCP Facebook page tungkol sa film development projects ng ahensiya. Nagpapadala rin ng press releases sa media ang information division ng FDCP. Ipi-present namin ang mga iyon sa susunod naming ulat.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *