Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Son Ye-Jin ng CLOY, Most Beautiful Woman of the World

HINDI lang naman pala si Hyun Bin ang sikat sa buong mundo ngayon dahil sa pagbibida n’ya sa South Korean serye na Crash Landing on You kundi pati na ang leading lady n’yang si Son Ye-Jin. 

Ayon sa website ng Rojak Daily, nagwagi si Son na Most Beautiful Woman 2020 sa isang International online poll (botohan sa pamamagitan ng social media at mga balota) na isinagawa ng Top 100 List at ng Starmometer. 

Ang South Korean actress ay nakatanggap ng kabuuang 4,354,037 boto. Nanguna siya sa tatlong plataporma na binansagang Instagram 2Facebook 1, at Facebook 2. Pero anim lahat ang platforms na pwedeng bumoto ang netizens.

Naging topnotcher din sa tatlong platforms na nabanggit ang miyembro ng Blackpink all-girl group ng South Korea pati rin si Liza (na ang buong pangalan ay Lalisa Manoban na tubong Thailand) kaya’t siya bale ang karibal ni Son sa unang puwesto. Pero nang sumahin ang mga boto, nakaungos pa rin ng botong 500,000 ang lead actress ng Crash Landing On You.

Si Liza ang pumangalawa kay Son, at ang tatlo pang miyembro ng Blackpink na sina Jisoo, Rose, at Jennie ay pumasok din sa Top 10.

Samantala, ang idolo nating mga Pinoy na si Liza Soberano ay pumasok na pangsiyam sa Top 10–bagama’t siya ang nanguna sa lahat noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga naungusan ng lead actress ng Make It With You ay sina Liza Selena Gomez (rank 6) at Gal Gadot (rank 9).

May tatlo pang Pinay celebrities ang pumasok sa Top 100 ng online voting contest noong 2019 at ito ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray (rank 12), Nadine Lustre (rank 23), at Gabbi Garcia (rank 70).

Ang botohan para sa taong ito ay naganap mula April 4 hanggang May 22. Si Soberano ay nakatanggap ng  295,151 online votes. Siya lang ang Pinay na pumasok sa Top 10 ngayong 2020.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …