Thursday , December 19 2024
bts

BTS ng South Korea, pinakamatagumpay na boyband sa buong mundo

ANG BTS ng South Korea na pala ang itinuturing na pinakasikat at pinakamatagumpay na boyband sa buong mundo ngayong 2020, lalo na sa Amerika. At dahil mga banyaga sila sa Estados Unidos, ang tagumpay nila ay ikinukompara sa tagumpay ng Beatles mula noong 1960s hanggang 1970s. Sa England nagmula ang Beatles.

Ano ba ang ipiniprisinta ng pop music historians na mga ebidensiya na ang BTS na ang nangungunang boyband sa buong mundo?

Noong April ng taong ito, ang BTS ang naitalang pangatlong banda pa lang sa loob ng 50 taon na nagkaraon ng tatlong number 1 albums sa Billboard 200 chart sa loob lamang ng 11 buwan. Ang unang dalawang boy bands na nakapagtala ng ganoon ay and The Beatles at ang The Monkees.

Noong sumunod na buwan naman, ang BTS, ang itinanghal na kauna-unahang grupo sa kasaysayan ng Billboard na may album na limang magkakasunod na linggong nangunguna sa Billboard Artist 100 chart.

Ang isa pang kamangha-manghang achievement ng BTS sa pangunguna sa Billboard charts ng bentahan ng mga album ay ang katotohanang iilan sa mga kanta nila sa mga album na ‘yon ang Ingles ang lengguwahe. Karamihan na mga kanta ng grupo ay sa katutubo nilang wika sa South Korea. At sa pitong mga batang miyembro ng BTS, isa lang ang bihasa sa Ingles. Pati na ang sex appeal ng mga miyembro ng BTS ay Asian.

Noong June 2013 lang inilabas sa South Korea ang kauna-unahang music video ng BTS na ang titulo ay No More Dream. Hindi ‘yon naging hit sa South Korea kaya’t walang nag-akalang magiging hit sa Amerika ang BTS sa paglaon.

Ang BTS ay binubuo nina Kim Tae-hyung (better known as V), Jung Ho-seok (J-Hope), Kim Nam-joon (RM), Kim Seok-jin (Jin), Park Ji-minJeon Jung-kook, at Min Yoon-gi (Suga). Edad 15 at 20 nagsimula ang mga miyembro.

Pa-“bad boys” na rebellious ang unang pa-image nila sa mga kasuotan nila: naka-gold chains, naka-bandana, at may heavy black eyeliner. Mas maraming rap sa unang video nila kaysa straight singing. At ang inira-rap nila ay tungkol sa kailangang sundin ng mga kabataan ang mga pangarap para sa kanila ng kanilang mga magulang.

Nag-number 84 lang sa Gaon Music Chart ang debut music video nila. Ang mga sikat na boybands noon sa South Korea ay ang EXO, Big Bang, SHINee na mga clean-cut ang hitsura at mga romantic song ang kinakanta.

Kakaiba ang pa-image ng BTS dahil baguhan ang promoter nilang Big Hit Entertainment samantalang ang tatlong nangungunang banda ay itinataguyod ng mga beterano ng record companies sa South Korea at ang mga ito ay ang SM Entertainment, JYP Entertainment, at YG Entertainment  na noong 1900s pa pumasok sa industriya.

Sinasabing sa ngayon ay $4.7 billion na ang halaga ng K-pop industry sa South Korea at matinding-matindi na ang kompetisyon doon.

Dahil baguhan pa lang ang Big Hit Entertainment, wala itong gaanong pera para i-promote ang BTS sa traditional mass media. Sa halip ay sa social media sila ipinromowt. At sa tingin ng mga pop music historian at pop music analysts sa Amerika ay ‘yun ang dahilan kaya madaling nakilala ng mga kabataan sa Amerika ang BTS.

Ang BTS ay ang kauna-unahang K-pop group na itinaguyod at nakilala sa Twitter, ayon kay Michelle Cho,  isang propesor sa East Asian Studies sa University of Toronto na ininterbyu ng CNN News para sa isang in-depth report ng network tungkol sa BTS.

Sinanay din ang mga miyembro ng BTS na mag-post ng vlogs sa YouTube, sa at sa Korean livestreaming platforms na AfreecaTV at V Live.

Mga kuntil-butil tungkol sa buhay nila ang ibina-vlog ng BTS. Halimbawa, sa isang video clip ay ipinakitang si Jungkook ay nagluluto ng instant ramen sa isang pangkaraniwang kusina. Sa 10 buwan na pagtakbo ng video clip na ‘yon, umabot sa 7.6 million ang nanood niyon.

Lahad ng CNN“The internet is full of these kinds of mundane [pangkaraniwan] BTS moments: the members cuddling as they snooze, eating meals, sitting in taxis and pulling pranks on each other. They take a variety of forms — casual posts, live-streamed video diaries, or produced episodes of their reality TV-like web show Run BTS!”

Tinuruan ng Big Hit Entertainment ang mga miyembro ng BTS na makabuo ng sari-sariling image sa pamamagitan ng kanya-kanyang posts sa nag-iisang vlog nila para sa lahat. Actually, kontrolado ng kompanya kung ano lang ang pwedeng i-post ng bawat isa sa kanila.

Nang magsimulang dumami ang fans ng BTS sa Amerika, tinuruan ang grupo na tawagin ang fans nila na ARMY na ang ibig sabihin ay “Adorable Representative M.C. for Youth.” Galak na galak naman ang fans sa tawag na ‘yon sa kanila.

Noong 2014 nagsimulang bumisita sa Amerika ang BTS. Nag-perform sila sa KCON, isang K-pop convention sa Los Angeles. Schoolboy uniform ang kasuotan nila. Hip-hop at electronic dance music (EDM) ang pagtatanghal nila.

Nag-tour sila uli sa US noong 2015. Bumalik sila roon noong 2017 na may kulay na ang mga buhok, na nagustuhan naman ng kanilang ARMY. Noong taon ding iyon, itinanghal silang kauna-unahang K-pop group na nagwagi ng Billboard Music Award at nakapasok sa top 10 ng Billboard 200 charts.

Noong November 2017, nag-debut sila sa US television bilang performers sa American Music Awards. Bago matapos ang 2017 ay napanood na rin sila sa Amerika sa The Ellen Show at sa Jimmy Kimmel.

Karamihan sa mga Twitter post tungkol sa BTS ay hindi sa Ingles kundi sa Korea. Gayunman, lagpas na, ayon sa CNN report, sa 20 milyon ang followers ng BTS sa Twitter, at higit na mas malaki ito kaysa bilang ng tagasubaybay ni Beyonce o ng United Kingdon hit-maker na si Ed Sheeran.

Ibang klase talaga ang kasikatan ng BTS ngayon!

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *