DAHIL sa pandemyang Covid-19, ibang klase ang mga seremonya sa pagtatapos ng pag-aaral ng mga estudyante. “Digital” o “virtual” ang graduation ceremonies ngayon sa lahat ng panig ng mundo. Sa kanya-kanyang bahay na lang ipinuproklamang graduate na ang isang estudyante.
May graduation ceremony din naman. Pinagtotoga pa rin naman ‘yung mga gumagradweyt ng senior high school at college. At habang nasa sarili nilang bahay ang mga nagtatapos, sabay-sabay pa rin silang umaawit ng graduation hym ng eskuwelahan nila. Sa digital screen na lang sila nagkikita-kita.
May mga eskuwelahang may commencement speaker pa rin. At kamakailan, ang sikat na actress-dancer na si Jennifer “JLo” Lopez, 50, ang naging tagapagsalita para sa YouTube’s Dear Class of 2020 special.
Ipinaalala ni JLo sa mga nagtapos ng high school at college sa panahon ng pandemya na ang kaganapang iyon ay isang “growing experience” at ang bawat hadlang ay isang “learning experience.”
“Thank you so much class of 2020 for having me here today to celebrate you as you enter the real world,” bungad n’ya sa kanyang talumpati na kinunan ng video sa maaliwas na backyard ng kanyang bahay.
Itinuloy n’ya ‘yon sa pagtalakay tungkol sa mga “disappointment” na halos siguradong kakaharapin sa tunay na buhay ng mga kagagaling pa lang sa akademya.
Kailangan ng mga fresh graduate na sanayin ang kanilang mga sarili na gawing “positive experiences” ang mga ganoong klaseng karanasan.
Pahayag nya: “You know what some human beings call disappointments? Learning experiences.
“Got fired? Learning experience.
Get your heart broken? Learning experience.”
Kaugnay naman ng pandemya, pang-eengganyo n’ya sa kabataan: “Graduate during a global crisis? Okay, that’s more than a learning experience! That’s a growing experience. Just when you thought the learning was over, you’re learning the most important life lesson of all.”
Payo naman n’ya tungkol sa mga balakid sa buhay: “Every obstacle is really an opportunity to learn — to grow — and to change.”
Pagpapalakas-loob n’ya sa mga tatahak sa totohanan ng pagtupad ng kanilang mga pangarap: “You deserve this moment and so much more, because you’re still going to go out there and make your dreams come true and follow your path and be on your journey. Because that — my friends — is the plan that hasn’t changed. I commend you, class of 2020.”
‘Di na nakapag-aral sa kolehiyo si JLo. Nagtapos siya sa Catholic Preston High School noong 1987. Sa colored community na The Bronx siya ipinanganak at lumaki.
Nagkwarantina si JLo kasama ang boyfriend-fiancee n’yang si Alex Rodriguez, 44, at ang ang kambal na anak ni JLo sa singer na si Mark Anthony na sina Max at Emme, 11, pati na ang mga anak ni Alex na sina Natasha, 15, at Ella, 12. Sa mansyon ni JLo sa Miami, USA sila namalagi noong kwarantina.
Nagpaplano nang magpakasal sina JLo at Alex pero kinailangang itigil nila ‘yon dahil sa kwarantinang dulot ng pandemya. Wala pa silang pahayag kung kailan itutuloy ang kasal at kung saan ito idaraos.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas