Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennifer Aniston, naghubad para sa Covid-19 fundraising

ISANG hubo’t hubad na litrato ni Jennifer Aniston ang kasama sa auction ng mga litrato ng Hollywood idols na ginagawa online sa Amerika. Layon ng auction na makalikom ng pondo para itulong sa mga apektado ng Covid-19 at ng kwarantina.

Alam ni Jennifer, na naging misis ni Brad Pitt sa loob ng limang taon, na kasali ang nude photo n’ya sa io-auction. Siya pa nga mismo ang nag-announce niyon sa Instagram niya kamakailan.

Ang io-auction ay lumang litrato ng aktres na kuha noong panahong siya ang pinakasikat na miyembro ng sitcom na Friends. Ang larawan ay kuha ng award-winning photographer na si Mark Seliger. At lumabas na ‘yon noong February 1996 sa cover ng Us magazine sa Amerika.

Si Seliger ang may-ari ng copyright ng litrato kaya’t siya lang ang may karapatang mag-print ng kopya niyon at magbenta ng kopya.

Black-and-white ang litrato. Tinatakpan ni Jennifer ang dibdib n’ya ng mga kamay n’ya at ng isang binti.

Umabot na sa $6,500 (lagpas sa P320,000) ang pinakamataas na alok para sa nude photo na ‘yon. Pero umaasa pa ang mga namamahala sa subasta na tataas pa ang alok na ‘yon, kaya ‘di pa nila iniri-release ang larawan.

Ipapa-auction din ang mga larawan nina Billie Eilish, Laura Dern, Tom Hanks, Lenny Kravitz, Jennifer Lopez, at Oprah Winfrey na si Seliger din ang kumuha.

Ang subasta ay pinamamahalaan ng auction company na Christie’s at ang fundraising campaign ay pinangasiwaan ng RADArt4Aid. Ang lahat ng malilikom na salapi ay ipagkakaloob sa National Association of Free and Charitable Clinics, isang organisasyon na nagsasagawa ng libreng coronavirus testing at nagkakaloob ng pangangalaga sa “medically underserved” sa Amerika.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …