Thursday , December 19 2024

Hollywood showbiz idols galit, nakisimpatya kay George Floyd

KUNG sa Pilipinas ang nagpapaalab sa madla ay ang Terrorism Bill, sa Amerika naman ay ang pagkamatay ng Black man na si George Floyd dahil inapakan siya sa leeg ng isang pulis na puti na walang konsiyensiya. Hanggang ‘di nasesentensiyhan ang mga pulis na may kinalaman sa pagkamatay ni Floyd hindi siguro titigil ang mamamayan ng Amerika sa pagpoprotesta ukol sa naganap.

Kabilang ang Hollywood showbiz idols sa mga naunang nanindigan at nanawagan para sa katarungan ni Floyd at para itigil na ang anumang uri ng racism sa Amerika.

Heto ang paninindigan at panawagan ng showbiz idols sa Estados Unidos na nakalap istem sa news and entertainment websites sa nasabing bansa na pinoproblema rin ng mamamayan ang kakatwang mga pasya at kilos ng kanilang istemag, gaya rin iste sa ating bansa. Ang ilan sa mga sipi ay kinuha ng mga website sa Instagram ng mga sikat na idolo roon. Mayroon ding mga pahayag na ginawa sa mga interbyu. Ang ilan sa matutunghayan n’yo ay malayang salin istem ng mga pahayag nila sa Ingles. Ang iba naman ay sa orihinal na Ingles istem sinipi.

MADONNA:  “The most sickening, heartbreaking thing [I’ve] seen in a long time! 

 

“Alam ng pulis na ‘yon na kinukunan siya ng video pero pinatay pa rin n’ya si George Floyd—at tinodas n’ya ng buong yabang at kahambugan. 

 

 “Dapat nang itigil ito. Hanggang ‘di natin nasusupil ang Racism, walang sino man sa Amerika ang dapat payagang magdala ng baril—lalo na ang mga pulis!”

 

BEYONCE“Kailangan ang katarungan para kay George Floyd. Lahat tayo ay naging saksi sa pagpatay sa kanya sa dilat na araw. Nagimbal tayo at nasulasok. Hindi natin mapaghihilom ang hapdi at sugat ng karanasang ‘yon. 

“Sinasabi ko ang mga ito ‘di lang sa mga tao na may kulay. Kung puti kayo o itim, o kayumanggi, o ano pa mang nasa gitna, sigurado akong mawawalan na kayo ng pag-asa sa tungkol sa matinding racism sa bansa. Masyado nang marami ang nasaksihan nating marahas at walang saysay na kamatayan. 

“Oo nga’t may mga naaakusahan, pero ‘di pa rin natatamo ang katarungan. Nagsusumamo ako na pumirma kayo sa mga petisyon at patuloy n’yong Ipanalangin na magkaroon ng kapayapaan, pagmamahalan, at pagmamalasakitan sa ating bansa.”

OPRAH WINFREY“Tayo na may kalayaang makita o marinig ng madla—ano man istemag kulay o lahi—may responsibilidad tayo na ‘di lang sumilakbo tuwing nakakasaksi tayo ng ‘di makatarungan. 

“Hindi sapat na ang nasaksihan natin ay kasindak-sindak. Hindi natin dapat kunsintihin ang mga krimen ng muhi na isinasagawa ng mga awtoridad sa ating bansa. Kailangang isigaw natin na ‘di ito dapat mangyari ng ganoon na lang sa ating panahon. Kailangang gawin natin ang anumang dapat gawin para mabuwag ang mga kalakarang nauuwi sa kawalan ng katarungan.”

LADY GAGA: “Ayokong makadagdag pa sa napakaraming karahasan. Gusto kong makapagdagdag sa solusyon. Nag-aalab ako sa pagkamatay ni George Floyd gaya ng pag-aalab ng damdamin ko sa napakarami nang pagkitil sa maraming buhay ng mga tao na itim ang kulay sa napakahabang panahon dahil sa racism na nasa istema na ng lipunan at sinusuportahan ng mga corrupt na tao sa pamahalaan. 

“Lubhang napakatagal nang nilupig at pinatahimik ang boses ng mga Itim at ang pagpapatahimik na ‘yon ay napakapanganib at kumikitil sa napakahabang panahon. At kahit na ano mang gawin nila bilang protesta, ‘di sila pinagkakalooban ng habag at pagmamalasakit kahit ng mga lider na dapat ay nagmamalasakit sa kanila. 

“Araw-araw, racist ang mga tao sa Amerika. At ‘yan ang katotohanan!”

JUSTIN BIEBER“THIS MUST STOP!” silakbo ng singer noong napanood n’ya ang video ng pagpatay kay Floyd. “This makes me absolutely sick. This makes me angry this man DIED. This makes me sad. Racism is evil we need to use our voice! Please, people. I’m sorry, George Floyd!”

ADELE“Be righteously angered but be focused! Keep listening, keep asking and keep learning!  It’s important we don’t get disheartened, hijacked or manipulated right now. This is about systematic racism, this is about police violence and it’s about inequality. And this isn’t only about America! Racism is alive and well everywhere. I wholeheartedly stand in solidarity with the fight for freedom, liberation and justice ♥️ #blacklivesmatter #georgefloyd #saytheirnames.”

GEORGE CLOONEY“There is little doubt that George Floyd was murdered…This is our pandemic. It infects all of us, and in 400 years we’ve yet to find a vaccine.”

NICKI MINAJ: “They all watched an unarmed man die and did nothing. Why do they have different rules????? Let your voice be heard. Be angry. White people have been using violence against us since the beginning of time. We didn’t invent violence & looting. Will these officers actually get convicted? Probably not. Let your voice be heard. Call & TEXT to be a part of these petitions. May Mr. Floyd Rest In Peace.”

MILEY CYRUS: Like so many of you, I am angry, outraged and heartbroken about the injustice in our country that has been going on for way too long- centuries and generations. 

“To my fans, each one of us has a voice—I’m asking you to please use it right now. Please call the Minnesota Governor at 651-201-3400 and Attorney General to demand #justiceforGeorgeFloyd. They need to be held accountable. We can’t stand by, we need to each do our part to make justice for everyone a reality.”

 

HUGH JACKMAN: “The tragic death of George Floyd has prompted many conversations in my home and with friends around the world. Conversations that are, in large part, long past due. 

… My instinct is always that when emotion is high, I try to call on reason. And, when my brain is dominating, I try to open my heart. My emotions tell me that we need to take this tragic loss (and all those that came before) to change systemic racism the world over. My reason tells me that one size does not fit all. We need to listen and begin to try to understand. My heart goes out to George Floyd’s family. May his untimely death be a catalyst for change. I will use this moment to reflect, to refocus and to make sure I am part of change.”

JENNIFER LOPEZ: “My beautiful friends,  this is a matter of humanity!!! Of goodness and basic human kindness and decency!!! My heart is breaking. So many people are hurting right now. How can anyone say they love this country and not do something when they see lives cut short because of the color of their skin? 

“We need to erase the fear and hatred that exists. Not erase people. We are all God’s children. We need to love and appreciate all the beautiful things that every individual person is. There are more of us who live a life of love and acceptance than those who live in rage and hate. Do not let the angry, and hateful win!! Say something. Do something. Let’s build bridges not burn them. 

“We need to speak up and speak love. Every chance we get… we need to storm the polls in November and VOTE… we need change!!! Somethings got to change!!”

ELLEN DEGENERIS“I haven’t spoken directly because I don’t know what to say. I am so sad, and I am so angry. I know I’m not going to say the right thing, I know there are going to be a lot of people who are in disagreement with what I say, but I have a platform and I have a voice and I have always stood for equality.

“I’ve always wanted to be the voice for people who felt like they didn’t have a voice, because I know what that feels like. 

“Maybe you don’t agree with how it’s coming out, but you have to understand it, and then we can heal it.

 

“I’m just so sorry that it’s come to this. I really don’t know what to say other than this has gone on way, way, way too long. People have got away with murder. That’s what’s happening. We’ve got to see fairness and justice for all, because right now this is not a fair world, not at all.”

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *