Sunday , November 17 2024

Kobe Paras, tutulong sa pagpiyansa ng UP Cebu students

ANG mga basketbolista naman kayang gaya ni Kobe Paras ang susunod na grupong yayariin ng bayarang trolls at iba pang walang konsiyensyang netizen bashers pagkatapos nilang simulan ang panghamak sa mga singer at performing artist na walang-takot na nagpapahayag ng pagtutol sa Terrorism Bill?

Kakaulat lang namin kamakailan tungkol sa kuya ni Kobe na si Andre Paras, pero ngayon naman ay parang biglang si Kobe ang laman ng mga balita. At ito ay dahil sa pagpapahayag n’ya na siya at iba pang atleta sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City ay lilikom ng pondo para sa pitong estudyante sa UP Cebu na inaresto dahil sa pagra-rally nila laban sa Terrorism Bill noong Hunyo 5. Malapit sa UP Cebu campus idinaos ang protest rally.

Nangako ang basketball player na si Kobe Paras na tutulong sa mga naarestong indibidwal sa isang protest rally sa Cebu noong Biyernes, June 5.

Si Kobe, pangalawang anak ng dating mag-asawang Benjie Paras at Jackie Forster, ay miyembro ng UP basketball team na Fighting Maroons.

Aniya sa kanyang Twitter noong mapag-alaman ang pag-aresto sa mga kapwa n’ya estudyante: “I saw the news in Cebu about my fellow isko and iskas. To all my people there who got arrested Thank you standing up for what is right.

“To all my isko and iskas in Cebu & everywhere else, stay strong, stay safe, and stand ten toes down.

“We will raise money to bail those affected!”

Ang mga salitang “isko” at “iska” ay patungkol sa mga estudyante ng lahat ng sangay ng UP na bale scholars lahat dahil  ginagastusan ng gobyerno ang pag-aaral nila. Buwis ng mamamayan ang ipinambabayad sa tuition nila.

Nauna nang nagpahiwatig ng kanyang paninindigan laban sa Anti-Terrorism Bill si Kobe nang mag-post ito ng pagsang-ayon sa tweet ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach noong June 4, Huwebes.

Sabi ni Pia (published as is): “I’ll be honest, I never really liked commenting about politics simply cos I felt like I didnt know enough to speak up… I also was never really a fan of tweeting (Im barely online here) but I realized that I need my voice back…and I need to use it.”

Tweet ni Kobe rito: “Yes, @PiaWurtabach! My whole life I was told to be quiet & never speak up about things going on in this world because I’m just an athlete

“I am a human being

 

“God gave me legs to stand up for what is right God gave me a mouth to speak up for those whose voices couldn’t be heard”

 

Sinundan ni Kobe ang mga pahayag na yon ng isa pang tweet. Deklara n’ya: “I am a human being. I will stand up for what is right. I will NEVER shut up and just dribble.

“I will be there for my fellow brothers and sisters here in Manila, America, Hong Kong, and the rest of the world.

“Peace and love is what we need.

“But if there is no justice. There is no peace. #BLM [clenched fist emoji] #JunkTerrorBillNOW “

Ang #BLM ay ang pinaikling hashtag para sa kampanyang Black Lives Matter sa Estados Unidos.

Layunin ng kampanyang ito na palawigin ang pagpoprotesta sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kamay ng apat na Minneapolis Police officers.

Ang #JunkTerrorBillNOW naman ang isa sa hashtag na gamit ng mga kumokondena sa pagtutulak ng pagsasabatas ng anti-terrorism bill.

Ang Twitter ni Kobe ay @kokoparas.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *