NEGATIBO sa SARS Cov2, ang corona virus na sanhi ng COVID-19, ang 22 kataong kasama sa mga umuwi sa lalawigan ng Leyte sa ilalim ng programang Balik Probinsya Bgtaong Pag-asa (BP2) ng pamahalaan na naglalaan ng libreng transportasyon sa mga nagnanais umuwi sa kani-kanilang lalawigan.
Kasama ang sample na kinuha mula sa kanila sa 90 benepisaryo ng programang BP2 na dinala ng Department of Health (DOH) sa TB Reference Laboratory Molecular Facility for COVID-19 sa lungsod ng Cebu, habang Hinihintay ang resulta ng natitirang 68 benepisaryo.
Sa kasalukuyan, walong benepisaryo ng BP2 program sa Leyte ang nagpositibo sa coronavirus.
Pinaalalahanan ni Dr. Minerva Molon, DOH regional director, ang mga residente sa Leyte na iwasan ang diskriminsasyon sa mga umuwing nagpositibo.
Ani Dr. Molon, biktima ng hindi naiwasang mga pangyayari at hindi nila ginustong magpositibo sa COVID-19.