Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LTFRB bus terminal

Suspensiyon ng LTFRB MC 2020-019 hirit ng bus passengers

HINILING ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan, ang suspensiyon ng implementasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular (MC) 2020-019  o ang “Guidelines for the Operation of Public Utility Buses (PUBs) during the period of General Community Quarantine (GCQ)” sa Metro Manila.

Ang unang maaapektohan ng implementasyon ng naturang LTFRB Memo na ipatutupad simula ngayong araw, 1 Hunyo 1, ay mga pasahero ng pampublikong bus na sa loob ng dalawang buwan at kalahati ay nakaranas ng matinding epekto sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa LTFRB, ang nasabing Memo ay kanilang ginawa base sa emergency powers ni President Rodrigo Duterte sa Presidential Proclamation (PP) No. 922 na nagdedeklara ng ‘Public Health Emergency.’

Ngunit ayon sa mga apektadong driver at operators,
“ang katotohanan ang nakapailalim sa emergency powers ng Pangulo ay social distancing pero ginamit ng LTFRB ang implementasyon nito para sa rason na sila lamang ang nakaaalam.”

Ang memorandum circular ng LTFRB na kahit saang anggulo tingnan ay wala umanong kaugnayan sa PP No. 922 ay ginamit ng nasabing ahensiya ng gobyerno para sa isang eksperimento na pumuputol sa linya ng biyahe ng mga bus sa EDSA gayondin ang pagbibigay ng pabor sa mga service provider na mailapit sa kanila.

Parehong inihayag ng LTFRB at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang mga metro buses ang nagiging dahilan ng trafik sa EDSA kung kaya’t binuo at inisyu ng LTFRB ang MC 2020-019.

Ang alegasyon ng MMDA na ang metro buses ay magdudulot ng masikip na trafik sa EDSA ay pinatunayan na hindi totoo matapos maglabas ng kautusan si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Caridad Walse-Lutero ng Branch 223.

Sa 25-pahinang ‘ruling’ na may petsang 31 Hulyo 2019 na nagbibigay ng ‘writ of preliminary injunction’ na pumipigil sa implementasyon ng MC 2019-001 na nag-uutos sa provincial buses na putulin ang kanilang mga biyahe hanggang sa integrated terminal exchange mula sa probinsiya ay nagbabawal din na dumaan sa kalsada ng EDSA.

Ang pagtutulak ng implementasyon ng naturang Memo ay magbibigay ng dagdag na paghihirap sa mga pasahero dahil sa kanilang palipat-lipat na pagsakay ng bus gayondin ang karagdagang pasahe kompara sa dati na nilang biyahe na isang sakayan na lamang na nakamemenos sa pamasahe.

Isang ehemplo nito ang dating biyahe ng bus na sinasakyan ng mga pasahero na may rutang Alabang-Meycauayan ngunit sa ilalim ng plano ng LTFRB kinakailangan pang sumakay ng tatlong bus at magdagdag ng pasahe ang mga pasahero bago makarating sa kanilang destinasyon.

Wala rin maidudulot na kasiguruhan sa mga pasahero ng bus kung agad silang makasasakay patungo sa kanilang trabaho o pauwi sa kanilang bahay dahil sa rami at sabay-sabay na pasaherong maghihintay ng masasakyan at dulot na rin ng health protocol ng gobyerno na social distancing.

Sa nakasaad sa bagong programa ng LTFRB at ng MMDA, ang mga pasahero na manggagaling sa norte tulad ng Balagtas, Malanday, Marilao, Meycauayan ay bibiyahe hanggang Monumento-EDSA. Doon bababa ang mga pasahero at kailangang muling sumakay ng bus bago makarating sa kanilang mga destinasyon.

Ang mga pasahero mula sa Angat, Norsagaray, San Jose Del Monte, Grotto, Fairview at Commonwealth ay makabababa lamang sa EDSA-Quezon Avenue.

Ang mga sasakay naman ng bus na manggagaling sa Montalban, San Mateo, Marikina at Katipunan gayondin ang iba pang ruta na galling sa Antipolo, Kingsville, Filinvest, Ligaya at Katipunan ay hanggang sa EDSA-Cubao maihahatid at nararapat na muling sumakay ng bus papunta sa kanilang destinasyon.

Sa ilalim ng pagpapalit ng ruta ng mga bus ng LTFRB, binuo ang ‘EDSA Carousel Route’ na mayroong 550 low-floored buses na makapagsasakay ng 9,900 pasahero.

Bibigyan sila ng pahintulot na bumiyahe sa EDSA at maiiwanan ang 2,117 buses na aakto bilang ‘passenger feeders’ ng mga bus na bumibiyahe na napapabilang sa ‘EDSA Carousel’ buses.

Sa desisyong inilabas ni Judge Lutero, umaasa ang mga pasahero na magiging halimbawa ito upang maipatupad ang suspensiyon ng implementasyon ng reform plan ng LTFRB.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …