Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Huwag excited! Death is free for all under GCQ, mas doble-ingat dapat

ILARAWAN po muna natin ang general community quarantine (GCQ) na haharapin mula ngayong araw, 1 Hunyo 2020:

Isipin ninyo na ang sambayanang Filipino ay isang pamilya. Masayang nagsasaya ang inyong pamilya sa labas ng inyong tahanan nang biglang isa-isa nagbagsakan ang ibang miyembro — patay agad. Ganoon din ang nangyari sa inyong mga kapitbahay.

Natakot kayo nang matuklasan ninyong mapanalasa ang salot. Kaya ang ginawa ng padre de familia, nag-utos na walang lalabas. Siya ang bahala sa lahat ng pangangailangan.

Pero dahil paralisado ang lahat dahil sa takot sa salot, kapos ang naiuuwi kita ng padre de familia kaya may mga miyembrong nagugutom, umaalma at gusto nang lumabas ng bahay.

Inawat ng padre de familia, “Konting tiis pa, anak.”

Pero nauubos na ang ipon at diskarte ng padre de familia, nabaon na sa utang kaya pagkatapos ng halos dalawang buwan at kalahating pagkukulong sa lunggang tahanan, heto na, kailangan nang magpasya: mamatay sa gutom o mamatay na lumalaban sa ‘salot.’

Sa salot na noong una’y wala pa sa 200 ang biktima pero ngayon ay malapit nang umabot sa 15,000 ang positibong kaso.

At dahil wala nang ipon, imbak na pagkain, at wala na rin malapitan — lalabas na ang buong pamilya — na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang buong anyo ng kalaban, hindi nakikilala kaya hindi pa klaro kung paano lalabanan.

At ngayong araw, lahat tayo ay gigising sa umaga na parang nasa bungad ng ‘kamatayan.’ Nakikiramdam pero kinakabahan kung paano lalabas sa lungga.

Kumbaga, ngayon ang araw na ang “kamatayan ay libre para sa lahat.”

(‘Wag naman po sana!)

Pero kung may tatamaan, sana’y ‘yung mga taong walang pakundangan kung labagin ang protocol ng kaligtasan.

Lalo na ‘yung mga tomador na nagpapanggap na ‘frontliners’ pero walang ginawa kundi ang mag-inuman at kay lalakas ng loob na ipangalandakan sa social media ang laklakan ng alak.

‘Singkapal ng mukha ng lider ng Voltes Gang.

Kung sabagay, mukhang wala naman silang pinag-iba. May toma na, may taryahan pa.

Anyway, kung may pakiramdam na hindi ligtas paglabas ng bahay, ganito lang ang dapat tandaan:

Nakahanda ka na bang lumabas ng bahay? Protektado ka ba sa paglabas ng bahay? Sa panahon na nasa loob kayo ng bahay ay naalagaan ba ninyo o napalakas ang inyong immune system?

Kailangan ba talagang pumunta sa lugar ng trabaho kung puwede naman gawin sa bahay ang nakatalagang gawain?

Mayroon ka bang sasakyan paglabas ng bahay? Kung wala, gumawa ka ba ng paraan kung paano makararating sa iyong trabaho nang hindi mo kailangan mag-super effort at maubos ang oras sa kalalakad?

Kung kailangang-kailangan na talagang mag-report sa trabaho, kinausap mo ba ang immediate supervisor or boss para ipaalam sa kanya kung ano ang magiging problema sa pagpunta sa place of work? May tugon ba ang kompanya sa problemang inilatag mo?

Kung lahat ito ay sinagot mo ng mas maraming hindi, mas makabubuting manatili muna sa tahanan.

Huwag natin kalimutan na mas mapanganib ngayon ang paglabas sa tahanan dahil hanggang ngayon ay wala pang lunas ang COVID-19.

Kung totoo mang may bakuna na ito sa Enero 2021 — magpapabakuna ba kayo?!

Sa rami ng mga nabasa natin kung paano magiging ligtas sa COVID-19, walang nagturo kung paano natin palalakasin ang ating immune system.

Sa paglabas ng bahay, iyon ang kauna-unahang dapat gawin — i-check ang kalusugan.

Tandaan, inaprobahan ang GCQ dahil kailangan nang pasiglahin ang ekonomiya.

Mangyayari lamang ang muling pagsigla ng ekonomoiya kung hindi na madaragdagan ang mahahawa ng COVID-19 at magiging tuloy-tuloy na ang paggaling ng 14,177 (huling tala kahapon, 31 Mayo 2020).

Pero hangga’t nadaragdagan ang bilang na ‘yan araw-araw, hindi maipagdiriwang ang bilang ng mga nakarekober — at ang bilang ng mga binawian ng buhay ay tila itak na nakatarak sa puso ng bawat isa sa atin.

Hangga’t hindi napapatag ang kurba ng pandemya, nagpapatuloy ang kaba at pagdurusa ng bawat pamilya ng frontliners lalo sa hanay ng medisina.

At habang nananatili ang ganyang sitwasyon, hindi sisigla ang ekonomiya at hindi malayong magkaroon ng second wave at mas mahigpit na lockdown.

Ngayon ang panahon na iniingatan at pinalalakas natin ang ating kalusugan hindi para lang sa sarili kundi para sa buong pamilya, sa komunidad, at sa buong bansa.

PANAWAGAN NG ILANG
PNP FRONTLINERS, GUTOM
SA PANAHON NG COVID!?
(ATTENTION CPNP GAMBOA)

GOOD DAY po sir Jerry, baka puwede n’yo po matulungan, kaming mga frontliner na nakabalik sa serbisyo na inabot ng ECQ dahil sa COVID-19 habang under process ‘yung mga papel para maibalik ‘yun salary.

Sana po sir Jerry sa tulong po ng inyong article ay mabigyan ng atensiyon ni PNP chief, Gen. Archie Gamboa ang aming katayuan dahil hanggang ngayon po ay wala kaming suweldo.

Sana to follow na lang po ang mga requirements kasi nga katulad naming mga pulis na umaasa lang sa suweldo, medyo kawa2x nman kmi walang panggastos sa bahay sa panahon ng COVID-19.

Marami po kami nakabalik sa serbisyo dahil napatunayang wala naman masamang ginawa sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin. Sana naman po ay matulungan n’yo po kami sir Jerry.

Mabuhay po at God bless.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *