Sunday , November 17 2024

Heart, naka-7 doktor dahil sa kanyang depression

HINDI lang pala sina Maxene Magalona at Claudine Barretto ang showbiz celebrities na nagtatapat na may panahong komunsulta sila sa mga doktor kaugnay ng kanilang mental health.

Si Heart Evangelista pala ay ganoon din. Kabilang sa mga payo sa kanya ng mga doktor ay laging aliwin ang sarili sa paggawa ng iba’t ibang bagay. Kabilang nga sa pang-aaliw n’ya sa sarili ang pagpapa-pictorial n’ya para sa Instagram ng mga napakagarbong kasuotan para sa bahay nila mismo sa Quezon City ng mister n’yang  si Governor Chiz Escudero ng Sorsogon Nagpapakuha rin siya ng litrato bago matulog kunwari at pagkagising. O habang nag-aayos ng bahay, pati na sa kunwa-kunwariang pagwawalis.

Nakahiligan din n’yang magpunta sa mga sosyal na sosyal na Fashion Week sa France, Italy, at New York, USA. Siyempre, panay din ang pagpapa-pictorial n’ya sa mga event na ‘yon para mai-post n’ya sa kanyang Instagram. (Pero may mga pagkakataon naman na ilang magazines at fashion websites ang nagpi-pictorial sa kanya.)

Nagsimula siyang magkaroon ng depression noong makunan siya ng pangalawang ulit sa panahong napag-alaman na n’yang kambal na sanggol na babae ang nasa sinapupunan n’ya. Halos isang buwan lang ang pagitan ng pagkalaglag ng kambal na nabigyan na nilang mag-asawa ng mga pangalan.

Ano ba ang nangyayari kapag nadi-depress siya?

Kuwento n’ya kay Jessica Soho kamakailan sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho“Nagiging numb ‘yung mga paa ko, pati ‘yung kamay ko na pag-paint, ito (right hand), wala po akong maramdaman dito.

 

“It’s called the Burning Tongue Syndrome. Basically, people just live with this condition na parang nasusunog ‘yung bibig mo.

 

“Tapos minsan, kumakalat siya sa gums and it’s very painful. Hindi ako nag-iimbento ng anything. As in, ‘Nababaliw na ba ako? Ano ba ito?’

 

“Kahit noong birthday ko po, ‘yung mga post ko po, happy-happy. Pero, sa totoo lang, may pinagdaraanan talaga ako noon.”

Pagtatapat pa ni Heart: “I went to seven doctors. Sabi nila, ‘yung cause ng sa akin can be extreme anxiety, and then it manifests on your body kasi sa sobrang stress.”

Binanggit din n’yang ang negativity na natatanggap n’ya sa social media ay nakadagdag sa depression n’ya.

 

“Mga tao porket nakikita ka nilang maganda ‘yung suot mo, o porke’t nakikita nilang mahal ‘yung bag mo, you’re living the life—feeling nila okay ka lang saktan.

 

“And without me knowing it, naapektuhan pala ako ng pressure ng social media, ng pressure ng tao… nagpa-pile up siya… So, yes, magkaroon po ako ng anxiety. I battled for sometime.”

Tinanong ni Jessica si Heart kung kailan dapat na magpadoktor kaugnay ng mental health ng tao.

Mabilis na sagot ng aktres: “’Pag masyado nang malakas ‘yung boses sa loob ng isip mo, I think it’s time to go.

 

“Kasi sometimes your fears, nandiyan lang sila. Parang nao-overpower niya na utak mo. ‘Pag hindi na talaga kaya, you need to see a doctor. Hindi dapat itaya ‘yung buhay mo dahil nahihiya ka pumunta sa doktor or nahihiya ka mag-open up about it.

 

“There is a way you can be fixed. Ask help and don’t be afraid of it. So that’s what I did.”

Kamakailan, nagkaroon na naman ng traumatic experience si Heart dahil sa pagkamatay ng isang aso na inampon n’ya at pinangalanan n’yang Casper.

Kuwento niya: “It was very hard, actually. Lahat naman tayo, ‘yun din ang nangyayari sa ating lahat.

 

“Basta nabigay ko ‘yung buhay na feeling kong karapat-dapat para sa kanya. I have no regrets.”

Ang nangyari ay ayaw na sana n’yang mag-alaga ng aso na ipaaampon sa ibang tao pagkalipas ng ilang buwan, kapag lumakas na ang aso at tumibay na ang pangangatawan.

Paggunita n’ya: “In the beginning po medyo, sabi ko, parang hindi ko na kayang mag-aso. Ayoko na!

 

“Ngayon po may inaalagaan po akong mom and puppy.

 

“You just have to keep loving,” pagbibigay-diin n’ya.

Binigyang-diin din n’ya na ang pagkakaroon ng creative hobbies ay makatutulong para umayos ang isip n’ya at ‘di magtuloy-tuloy ang nagsisimula ng depression n’ya.

 

“I just had to calm down and not care first muna. I did a lot of meditation. I started to paint and eventually kumalma din, and now I’m much better.”

She also said, “It was actually right before na nag-lockdown, doon ko pa lang siya na-handle.

 

“Maybe kailangan din ng kaunting pause sa buhay, and I feel I’m much better now.”

Napapadalas ang pagpipinta n’ya noong naka-quarantine. At isa sa mga painting n’ya ay idinoneyt  n’ya sa Art for Life para makalikom ng pondo para sa frontliners.

Upended 2020 ang titulo ng painting na larawan ng isang babaeng nakahiga at nakasuot ng makulay na damit. “I’m sad to let it go but I’m so so happy that it will be part of someone else’s story.”

Ipinagtapat n’yang inabot siya ng quarantine  na walang gaanong malaking pera para ipantulong sa mga taong nangangailangan sa panahong ito. “Hindi balon ang pera ko!” bulalas n’ya.

 

“Kasi noon, magastos talaga ako because of my love for high fashion. So now, may realization akong dapat pala, I didn’t splurge on certain things para mas marami akong natutulungan ngayong may crisis. I can’t do it all by myself so I encourage others to extend help sa mga naghihirap nating kababayan in this time of the pandemic.”

Magma-mature rin naman pala ang parang napaka-spoiled brat at napakasosyal na aktres!

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *