NAGTATAKA si Senadora Riza Hontiveros dahil halos
Apat na araw lang ay nakukuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang kanilang COVID-19 test results.
Pinuna ito ni Hontiveros kaugnay ng kaso ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) na mahigit isang buwang naka-quarantine at hindi pa nakauuwi sa kanilang pamilya dahil sa nakabinbing COVID-19 test results.
Binigyang diin ni Hontiveros, hindi tama ito at hindi rin umano second class citizens sa sariling bansa ang mga Filipino.
“I call on OWWA, PCG, & DOH, ayusin ang bottlenecks nang mapabilis ang pag-uwi ng OFWs. Siguradohin nating walang nakalulusot na VIP treatment,” pahayag ni Hontiveros.
“This is not how we welcome OFWs back home. Let’s address these backlogs so that we can send them back to their loved ones.” dagdag ng Senadora. (CYNTHIA MARTIN)