NAGHAIN si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na palawigin ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang 30 Setyembre 2020.
Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemyang coronavirus (COVID-19).
Nakatakdang mapaso sa Hunyo ang naturang batas.
Sa panukala ni Zubiri, nakasaad na kapag pinalawig ang batas mabibigyang pagkakataon ang pangulo na ipatupad ang ‘realignment’ ng ilang items sa national budget at iba pa niyang kapangyarihan sa ilalim ng batas.
Ang Bayanihan law ay inaprobahan ng Kongreso noong 23 Marso 2020 at nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 25 Marso 2020. (CYNTHIA MARTIN)