Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maxene, naglahad kung paano napaglabanan ang mental health issues

MENTAL Health Awareness Week pala ngayong linggong ito kaya’t nagpasyang i-share ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng kanyang Instagram na @maxenemagalona ang naging karanasan n’ya tungkol dito.

Ngayong linggo rin ay ibinahagi ni Ritz Azul ang pakikitungo n’ya sa kanyang ina na may pinagdaraanan ding mental health situation.

Actually, lutas na ang sitwasyon ng kay Maxene at nakabuti ngang ibinahagi n’ya sa Instagram ang pinagdaanan n’ya ilang taon lang ang nakararaan. Binigyang-diin n’yang posibleng ‘di nalutas ‘yon kung ‘di siya komunsulta sa isang Psychiatrist. At ‘yon nga ang ipinapayo n’ya sa lahat ng may pinoproblema tungkol sa mental health.

Alam n’yang marami ang bantulot na komunsulta sa mental health experts dahil laganap ang paniniwalang ang mga baliw lang ang kailangang komunsulta sa Psychiatrist at iba pang mental health experts.

Aniya sa Instagram: “I have always wondered why it’s socially acceptable for people with physical illnesses to go to the hospital for treatment, while those with mental health conditions have to hide and pretend like they don’t have it?” 

Pero paano ba n’ya nalaman na may problema siya na ilang taon ding ‘di n’ya inisip na may kinalaman ‘yon sa mental health n’ya?

May panahon daw na mahilig siyang uminom. At tuwing nalalasing siya, kahit wala siyang kagalit, ay nagiging bayolente siya.

Paggunita n’ya: “I was an adult having embarrassing tantrums. But I couldn’t really understand where all the anger was coming from. When I was drunk, I would punch or kick doors, cry uncontrollably and scream as though I was calling out for help.”

Umabot nga sa punto na nagpasya ng makipagkita sa isang Psychiatrist. Pero dahil hindi nga siya handang malaman ng madla ang ginagawa n’yang ‘yon, naka-cap siya at halos walang make-up tuwing pumupunta  sa clinic ng doktor.

Mga sintomas ng “complex post-traumatic stress disorder (C-PTSD)” ang pinagdaanan ni Maxene noong panahon na ‘yon. Sabi sa kanya ng doktor na ‘yon, “a condition caused by prolonged and repeated interpersonal trauma.”

Hindi binanggit ng anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at ni Pia Arroyo kung kabilang sa mga sanhi ng kondisyon n’ya noon ay ang pakikisalamuha n’ya sa showbiz bilang aktres at bilang anak ng isang napakasikat na showbiz idol.

Para gumaling siya, nagkaroon siya ng monthly therapy sessions sa doktor. Ang ilan pa sa nga ginawa n’ya ay: “I write in my journal and pray to God every day. Thankfully, after a year of therapy, my therapist said I didn’t need medications, because I was making progress on my own.” 

Binanggit din n’yang nakasanayan na n’yang magising ng 4:00 a.m. para mag-meditate nang isang oras o higit pa. Nagyo-yoga rin siya hanggang ngayon.

Binigyang-diin n’ya na nakatulong din ng malaki ang pagbabasa ng libro ng The Body Keeps the Score. Lahad n’ya tungkol sa libro: “It talks about how the effects of trauma stay in our bodies if we don’t release them… It wasn’t easy. But with the book’s help, I was able to truly understand my condition and learn how I could help myself heal.”

Nag-Google kami at napag-alaman naming ang libro ay isinulat ng Dutch Psychiatrist na si Dr. Bessel van der Kolk at nai-publish noong 2014. May kopya ng libro na pwedeng basahin sa Internet.

Ang isang resulta ng regular na pakikipagkita ni Maxene sa doktor ay ang pagiging mas malapit n’ya ngayon sa Diyos. Pagtatapat n’ya: “I’m actually glad I found out about my condition because it made me connect to God more. I believe in my heart that He was the one who helped me through it all.” 

Payo ni Maxene sa madla: “I believe it’s time we end the stigma of mental health and start talking about it, so that those who need help won’t be afraid to seek it…

“Remember that you are not your mind. And although thoughts can be overwhelming, trust that you have the power to heal your past traumas and pain.”

Si Maxene ay 33 years old na. Ikinasal siya sa model-musician na si Rob Mananquil noong February 2018 lang. ‘Di nilinaw ni Maxene kung kailan naganap ang pagkahilig n’ya sa paglalasing at pagkonsulta sa Psychiatrist.

Kasalukuyan siyang contract star ng ABS-CBN. 

Ang isa pang artista na nagtapat na komokunsulta sa Psychiatrist ay si Claudine Barretto. Wala pa siyang bagong tsika tungkol sa kalagayan n’ya, bagama’t tinigilan na n’ya at ng ate niyang si Gretchen Barretto sa pakikipagtalakan sa kapatid nilang si Marjorie Barretto at sa mga anak nito na kinabibilangan ni Julia Barretto. 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …