HANDA nang magsimula ng operasyon ang isang bio-laboratory sa lungsod ng Silay, sa lalawigan ng Negros Occidental, na kayang magsagawa kada araw ng 1,000 reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests para sa new coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson, mayroong dalawang PCR machines at isang automatic extractor ang Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital molecular laboratory, at may hinihintay na isa pang PCR machine mula sa Department of Health (DOH).
Nagsimula na ang staff ng molecular laboratory na magsagawa ng kauna-unahang test run noong Lunes, 25 Mayo, gamit ang mga control kits.
Dagdag ni Lacson, matagampay ang test run ng laboratory at umaasa siyang mapagsisilbihan ang mga Negrense sa oras na makapasa sa proficiency testing ng RITM (Research Institute for Tropical Medicine) ngayong linggo.
Gayondin, magsisimula nang magsagawa ng mga test sa isang linggo ang Doctors’ Hospital, Inc., sa lungsod ng Bacolod, na mayroong isang RT-PCR machine, habang kasalukuyan nang naghahanda ang Bacolod Queen of Mercy Hospital at Adventist Medical Center–Bacolod ng kani-kanilang COVID-10 testing biolabs.
Bukod dito, magiging operational na rin ang mga biolab para sa COVID testing sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital at Philippine Red Cross office sa lungsod pa rin ng Bacolod.