Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Tulisan’ sa DOH at Philhealth; Bandido’t linta sa pondo ng bayan (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

AKALA nati’y kasamang ‘na-expire’ ng dengvaxia at ng mga over stock na gamot ang mga ‘tulisan’ sa Department of Health (DOH) at PhilHealth.

Super maling akala pala, dahil hanggang ngayon, sa gitna ng pananalasa ng pandemyang COVID-19, e nariyan pa pala sila at namamayagpag.

Buhay na buhay pa ang sindikato sa DOH!

Mantakin ninyo, kung sa pribado ay mahigit lang sa P4,000 ang Rapid Test-Polymerise Chain Reaction (RT-PCR), sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) itina-charge nila ng P8,150 ang bawat miyembro.

Kaya imbes, marami ang maisalang sa RT-PCR e halos 50 porsiyento ang mawawala kasi nga hindi maintindihan kung bakit mas mura sa pribado at doble ang presyo sa PhilHealth members.

 

Kung sa health maintenance organization (HMO) nakakukuha ng perks and privileges ang mga miyembro, dito sa PhilHealth ang kanilang motto sa miyembro ay: “There are 1001 ways to skin a cat…”

O ‘di ba, ano ba ang alam ng isang pangkaraniwang miyembro ng PhilHealth sa tunay na presyo ng laboratory tests lalo na ng RP-PRC kung hindi magsasabi nang totoo ang mga ahensiyang nakatutok rito?!

Sa nakaraang hearing sa Senado, sinabi ni PhilHealth President & Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales na babaguhin nila ang COVID-19 benefit package. (Salamat naman! Gawin po ninyo nang mabilis!)

‘Yan ay matapos manawagan si Senate Minority leader Franklin Drilon ng balasahan ng mga posisyon sa loob ng PhilHealth dahil nga sa overpriced testing packages para sa COVID-19.

Naniniwala si Drilon na posibleng may mga grupo sa loob ng ahensiya ang nanamantala para taasan ang halaga ng package para sa test kits.

Mukhang nanggigil si Senator Drilon dahil gusto niyang sampahan agad ng kaso ang sangkot sakaling mapapatunayan ang mga kinukuwestiyong iregularidad sa PhilHealth kaugnay ng COVID-19 test.

 

Kahit saang anggulo natin tingnan, itong COVID-19 sa ating bansa ay nagiging isang malaking ‘scam’ dahil sa laki ng pondong pinag-uusapan rito.

Mantakin ninyo, ilang buwan na tayong lumalaban pero patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19?!

Ilang frontline health workers na ang tinodas ng COVID-19. Ilang milyong Pinoy na ang nagugutom dahil nga kailangan mag-ECQ ang gobyerno, pero wala tayong makitang agresibong aksiyon mula sa DOH.

Wala bang plano si Secretary Francisco Duque III na ibsan ang pangamba at kapaguran ng mga medical frontliners?

Uubusin ba niyang mahawa ang mga nurses, mga medtech, doctors at lahat ng frontliners bago pigain ang utak niya para makaisip ng tamang estratehiya upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa COVID-19?!

Walang bago sa ginagawa ng DOH. As usual, reactive at hindi proactive ang response sa COVID-19. Araw-araw ang inihahatag nila sa tao ay bilang ng paglobo ng  mga nahawa. Napakakonserbatibo ng bilang ng mga gumaling.

Marami tuloy ang nagtatanong, pinatatagal ba itong krisis ng pandemyang COVID-19 dahil sa malaking pondo?!

Attention, Secretary Duque!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *