Sunday , January 12 2025

FDCP vs IGA

PWEDE nang magsyuting at magteyping ang mga produksiyon bagama’t may malilito siguro kung kaninong guidelines (na tinatawag ding “protocol”) ang susundin nila sa pagtatrabaho: ang sa Film Development Council of the Philippines ba o ‘yung ipinamamahagi na ng bagong grupo na tinatawag ang sarili na Inter-Guild Alliance (IAG)?

Tiyak na alam n’yo nang ang dating aktres na si Liza Dino ang puno ng FDCP na nangangasiwa sa mga kompanyang gumagawa ng pelikula at layunin nito na mapag-isa ang mga kompanyang ‘yon para maitaguyod ang kulturang Filipino at makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Ang IAG ay isang bagong grupo na binuo para magkaroon nang mas puspusan at malawakang konsultasyon ang mga kompanya, film artists guild, at iba pang sangkot sa paggawa ng pelikula, palabas sa TV, at iba pang audio-visual productions, kabilang na ang film and TV commercials.

Maraming film workers ang umano’y ‘di-nasisiyahan sa mga biglaang pagpapalabas ng FDCP ng mga policy, alituntunin, at protocol na ‘di dumaan sa puspusang konsultasyon sa mga tao at kompanya na maaapektohan ng mga ipinasya ng FDCP.

Ayon sa mga naunang report, ang IAG ay nabuo dahil ‘di ito kumbinsido sa proseso ng pagbuo ng FDCP Guidelines na pinamunuan ni Liza at ipinalabas “haphazardly” noong March 16.

Noong May 20 inisyu ng IGA ang guidelines nito. May ilang miyembro ng entertainment press ang pinadalhan ng kopya.

Kahit nailabas na sa ilang d’yaryo at entertainment website ang paninindigan ng IGA na ‘di nila gagamitin ang FDCP guidelines, walang pahayag si Liza tungkol doon. Ilang press people na ang nakipagkomunika sa kanya, kabilang na ang
HATAW. Noong una ay sumagot siyang maglalabas ng statement. Noong nag-follow up ang mga mamamahayag sa statement n’ya, ang sagot ng opisina n’ya ay hindi na lang daw.

Kabilang sa Inter-Guild Alliance ang Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI); Lupon ng Pilipinong Sinematograpo (LPS); Production Design Technical Working Group; Assembly of Assistant Directors and Script Supervisors; TV and Film Screenwriters Collective; Alliance of Producers, Line Producers and Production Managers; Sound Speed Philippines; at Filipino Film Editors, sa pakikiisa ng post-production companies.

May 37 pahina ang inihanda ng IGA na General Production Guidelines.

Posibleng mahaba rin ang FDCP Guidelines. Pero gaano man kahaba iyon ay hindi kumbinsido ang mga kasapi at sumusuporta sa IGA na hindi sapat ‘yon dahil minadali umano ang pagtatapos niyon at pag-iisyu.

Hindi kasapi sa IGA pero sumusuporta sa grupo ang Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA), at maaaring ang ilang miyembro ng PMPPA ay personal member ng IGA.

Naglabas ng statement ang PMPPA na nagpapahayag na ang IGA guidelines ang ipagagamit nito sa mga kasaping film producers. Sa statement ay ipinahayag na ‘di lubusan ang konsultasyon na ginawa ng FDCP sa mga manggagawa ng pelikula, TV shows, at manggagawa ng film at TV commercials.

Minadali umano ng FDCP ang pagbuo at pag-iisyu ng guidelines nito.

Sinabi rin sa statement na kinamumuhian (“detest”) ng PMPPA ang “any action that undermines the efforts of the real workers in the industry.”

Samantala, kailangan bang ipaapbrub pa ng IGA sa ngayon ay napakamakapangyarihan na Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health ang binuo nitong guidelines?

Isa sa mga miyembro ng IGA ay ang lawyer-producer-director na si Joji Alonso . Nag-post siya sa kanyang Facebook ng mensahe para ipabatid sa lahat na nagsadya siya sa Malakanyang isang araw kamakailan nang mapag-alaman n’yang magpupulong ang IATF, sa pangunguna ni President Digong Duterte, para beripikahin kung kailangan pang ipaaprub sa IATF at sa DOH ang IAG guidelines.

Sinagot siya ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi na. Tinanong daw n’ya ‘yon bago dumating ang Pangulo. Wala namang tumutol sa sinabi ni Roque.

Ipinadala ng lawyer-producer ang kopya ng mensahe n’ya sa mga napakaprominenteng film and TV personalities na malamang ay miyembro ng IGA. Ang mga ito ay sina:

Malou Santos, Olivia Lamasan, June Torrejon-Rufino, Roselle Monteverde, Joey Reyes, Michael Tuviera, Jojo Oconer, Dondon Monteverde, Joey Abacan, Dean Arriola, Perci Intal an, Madonna Tarrayo, Quark Henares, Erickson Raymund, Eduardo A. Rocha, Neil Arce, Harlene Charmaine, Paul Soriano, Rex Tiri, Dan Villegas, Alemberg Ang, Patti Lapus, Mara Paulina Marasigan, Paolo Villa Luna, Mackie Galvez, Benjamin Tolentino, Ben Padero, Patricia Sumagui, at Jedd Dumaguina.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *