Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maraming nabanas kay Sinas at sa kanyang Voltes Gang

BAGO ang lahat, nais muna nating batiin ng belated happy birthday si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/MGen. Debold Sinas, na nagdaos ng kanyang 55th birthday last May 8, 2020 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

        Base sa mga paskil sa PIO NRCPO Facebook page, haping-hapi ang birthday ninyo #SirDodong at parang inalayan pa kayo ng 18 roses.

        Pagkatapos ng limang araw, doon na mahihinuha ng fans club ninyo na kaya pala ganoon ka-happy ang inyong ‘Voltes V” birthday party ‘e mukhang maaga kayong ‘magbabakasyon.’

        Araykupo Sir Dodong, napakasaklap!

        E kasi  ba naman nagmukha kang chief law enforcer, chief law breaker?!

        Mantakin naman ninyong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang malaking bahagi ng bansa, at mahigpit ninyong ipinatutupad sa Metro Manila bilang chief cop ng NCR, kaya nga may curfew hour, may social/physical  distancing,  no face mask no out or no entry, at iba pang mahihigpit na kautusan, pero biglang bumulaga sa social media ang inyong birthday party?!

        Ang sabi, nakatuwaan lang daw kayong bigyan ng birthday mañanita con todo theme na Voltes V ang tarpaulin at ang suot na t-shirt ng mga nagpa-asalto (CaribbeanMexico fiesta sorpresa surprise party) sa inyo.

        ‘Yun nga lang Sir Dodong, hindi sumakto kundi salto ang pa-asalto sa iyo!

        Salto na sablay pa! E may ECQ nga, hindi ba naintindihan ng mga nagpa-asalto sa iyo?!

        Hindi lang ‘yan. Base sa mga retratong naglabasan hindi lang kayo basta uminom, kundi literal na bumaha ng alak sa iyong birthday party.

        What’s happening to our country general na mga pasaway?!           

        ‘Yan ngayon, paano kapag nasampahan ka ng kasong kriminal at administratibo? E isang taon na lang, magreretiro ka na?!

        Tsk tsk tsk…sayang ang iyong mga pinaghirapan. At dahil diyan, muli na namang ‘uminit’ ang pagtingin ng mga mamamayan sa mga lespu — lalo’t sariwa pa sa alaala ang pag-aresto sa mga miyembro ng militanteng organisasyong na maghahatid ng relief goods pero hinarang ng mga pulis, ang pagkakapatay sa isang sundalo na may mental health problem sa ECQ checkpoint, at iba pang pag-atake sa karapatang pantao sa panahon ng ECQ.

        At nangyayari lahat ‘yan habang malayang nakagagala ang mga Chinese nationals na mga empleyado ng Philippine offshore gaming operations (POGO), pero hindi ninyo nasasawata.

        Again, what’s happening to our country, mga general na pasaway?!

        Sa totoo lang nagsisimpatiya tayo kay P/MGen. Sinas dahil malapit na nga siyang magretiro. Pero hanggang ganoon lang siguro ang puwede nating gawin, makisimpatiya sa masamang kapalaran na kanyang sinapit.

        Anyway, sakali mang sampahan kayo ng kaso, malamang hindi ka naman mag-iisa dahil kasama mo pa rin ang iyong ‘Voltes Gang.’

        Dyan dyan dyaraaan dyan dyan… saka sisigaw kayo ng — “Let’s VAULT in!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com  

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *