Sunday , November 17 2024

F. Sionil– The Filipinos do not really need ABS-CBN

MARAMI na tayong National Artists para sa iba’t ibang larangan pero si F. Sionil Jose pa lang ang nagpabatid sa publiko ng paninindigan n’ya tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN. 

Si Sionil Jose ay Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan (Literature). At ang paninindigan n’ya ay ang pagsuporta sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN dahil expired na ang broadcast franchise nito.

Ayon sa National Artist, hindi naman kailangan ng mga Filipino ang ABS-CBN dahil panlilibang lang naman sa madla ang silbi nito. Aniya sa kanyang Facebook noong Mayo 8: “The Filipinos do not really need ABS-CBN. It does not produce goods or food.

“It has certainly entertained millions but it did not diminish poverty.

“Again, freedom worked for the rich—but not for the Filipinos.”

Mahaba ang post ng National Artist. Itinuturing n’yang parang artikulo ito na nilagyan pa n’ya ng titulong, Requiem for ABS-CBN.

Ipinabatid n’yang may puso naman siya para sa mga empleado ng network na nawalan ng trabaho.

Sabi niya, “I sympathize with the hundreds who will lose their jobs but I’ll not mourn the passing of ABS-CBN; its demise, I dare say, is even good for Philippine democracy if it also means the dismantling of the Lopez empire.”

Punahin n’yong wala siyang nakikitang isyu tungkol sa press freedom. Iginiit pa n’yang mas nakabubuti para sa demokrasya ng bansa ang pagsasara ng ABS-CBN dahil nangangahulugan ito na mabubuwag na ang “Lopez empire.”

Buo ang paniniwala ng National Artist na ang mayayaman lang naman ang nakikinabang sa demokrasya, pati na sa freedom of the press. At napakalaki umano ng pakinabang ng mga Lopez sa demokrasya at sa umano’y mga pang-aabuso ng angkan ng mga Lopez sa freedom of the press.

Ikinuwento pa n’ya na may kaibigan siya noon na kolumnista sa dyaryong Ingles na Manila Chronicle (na ang mga Lopez ang publisher) na siniraan ang noon ay senadorang Helena Benitez, na tinitingala ng publiko ang katalinuhan at pagmamalasakit sa bansa. Noong tinanong daw ni Sionil Jose ang kolumnista kung bakit ginawa n’ya ‘yon, ang sagot nito ay dahil iniutos daw ‘yon sa kanya ni Eugenio Lopez (ang patriyarko ng angkan ng mga Lopez).

Malaki umano ang ibinabayad sa kolumnista. Noon at ngayon, may bookstore sa Ermita, Manila ang National Artist na ang pangalan ay Solidaridad (na siyang pangalan ng dyaryo ng mga Propagandistang Filipino na roon nagsusulat sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena). Madalas pumunta sa bookstore n’ya ang kolumnista para bumili ng mga libro. Pinapalitan pa umano ni Eugenio Lopez ang ipinambibili n’ya ng mga libro sa Solidaridad.

Sa tingin ng National Artists ay kahit na sa newsroom ng ABS-CBN nitong kasalukuyang panahon, napakaraming corrupt at nababayaran ang pagsusulat. Sa dyaryong Manila Chronicle noon, maraming nagsulat at kabilang na ang nationalist na si Renato Constantino (na lolo ng GMA 7 investigative reporter na si Kara David).

Maraming nag-react nang negatibo sa paninindigan ng National Artist. Karamihan ay nagsabing wala na silang paggalang sa kanya.

Ang isa sa mga ‘yon ay si Joel Salud na editor ng weekly magazine na Philippine Graphic at kilalang political essayist.

Nag-react si Salud sa pamamagitan ng isang mahaba ring open letter kay Sionil Jose na inilabas nito sa social media accounts n’ya.

Kahit na anong kasalanan at pagkukulang na nagawa ng ABS-CBN, hindi makatwirang isara ito, at kalimutan ang mga nagawa nitong kabutihan sa pagbabalita at pag-iimbestiga sa mga kaganapang nakaaapekto sa mamamayan at sa bansa.

Kung oligarko man daw ang mga Lopez, ‘yon ay dahil milyon-milyon din ang kailangan sa pagkuha at pagpapalaganap ng balita para sa telebisyon at iba pang makabagong teknolohiya.

Ang administration naman daw ngayon ni Pres. Duterte ay marami ring tinatangkilik na mga oligarko.

Ang pagsuporta umano ni Sionil-Jose sa mga hakbang ni Pres. Duterte ay kabaliktaran ng pagtutol n’ya noon sa martial law at sa paninikil ng Marcos administration sa mga karagatan at kalayaan ng mamamayan.

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *