Thursday , December 19 2024

Dingdong, idinirehe si Marian sa isang very inspiring short film

MGA ina (pati na mga binatang ama na nag-aalaga ng anak n’ya), paminsan-minsan ba ay nababagot na kayo sa maliliit na bagay na ginagawa n’yo sa bahay para sa inyong pamilya, lalo na para sa mga maliliit n’yong anak?

At mas nakababagot siguro ang mga maliliit na bagay na ginagawa n’yo sa panahong ito na ‘di pwedeng mamasyal kahit na sa park lang na malapit sa inyo para makalaya naman kayo sa mistulang kulungang mga dingding ng inyong bahay.

Bawasan ang inyong pagkabagot. Dumulog sa isang inspirasyon. Panoorin n’yo ang short film tungkol sa isang maybahay na isinasalarawan ang buhay ng isang ina na gumagawa ng mahirap bilanging maliliit na bagay sa loob ng bahay at ng bakuran.

Pagsasapelikula rin ito ng isang tula na ang titulo ay Maliliit na Bagay.

Si Marian Rivera ang nagsasatinig ng tula at gumaganap na ina. Ang mister n’yang si Dingdong Dantes ang nagdirehe ng pelikula. May dalawang bata sa pelikula na malamang ay ang mga anak nila. At parang sa loob lang ng bahay at sa bakuran lang kinunan ang lahat ng mga eksena sa pelikula.

Naka-post sa Instagram ni Dingdong (@dongdantes) ang very inspiring na maikling pelikula na ang haba ay wala pang apat na minuto. Dahil ang ina ang bida sa pelikula, ipinaskil ‘yon ni Dingdong noong Mother’s Day, May 10.

Totoo nga sigurong masipag na ina sa loob ng bahay si Marian. Nakagugulat ang itsura ng close-up ng mga kamay n’ya na naghuhugas ng mga plato, naglalamas ng arina para sa paghuhurno ng cake, at marami pang gawaing bahay. Parang wala ngang gawaing bahay na ‘di ginawa ni Marian sa pelikula o ‘di nabanggit sa tula.

Pambahay talaga ang mga damit n’ya sa mga eksena. Wala siyang make-up. Walang alahas. Pero, kasabihan nga, ang isang babaeng maganda, tanggalan man ng make-up at mamahaling alahas, pagsuotin man ng duster, o ordinaryong t-shirt na puti lulutang pa rin ang kagandahan.

Ang tula ay nagsisimula sa linyang: “Ang aking mga kamay ay sanay sa paggawa ng maliit na bagay.”

Halos sa bandang dulo ng tula ay ang linyang: “Maliliit na bagay. Saan nagmumula?/ Sa pag-ibig na sa lawak ay higit pa sa daigdig, malalim pa sa dagat at mataas pa sa langit.”

Ang tula ay isinulat ni Yan Yuzon, gitarista, aktor, dating propesor sa Ateneo, theater director, at kapatid ni Yael Yuzon (na mister ni Karyll, ex-girlfriend ni Dingdong). Dating gitarista ng Pupil band si Yan at band leader siya ng Archipelago. Kilala rin siya sa palayaw na Yani.

Walang paliwanag si Dingdong sa Instagram kung paano napasakanya ang tula ni Yan at paano n’ya naisip na gawin ‘yong maikling pelikula na professional na professional ang dating.

Walang credit sa kung sino ang kumuha ng mga video. Malamang na si Dingdong ang videographer. Si Evan Arana ang naka-credit na editor at si Vincent de Jesus sa musika.

Happily, walang sponsors na nakalista. Ibig sabihin, talagang personal na proyekto ito ng mag-asawa.

Panoorin n’yo nang ma-inspire kayo sa patuloy na paggawa ng maliliit na bagay para sa mga mahal n’yo sa buhay.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *