TULAD din ni Madonna, dahil sa pandemic, kinansela ni Taylor Swift ang mga concert n’yang naka-iskedyul ngayong taon, ayon sa International news agency na Agence France-Presse.
Sa halip na mag-concert, ginawan ng paraan ng napakasikat na singer para maipalabas nang libre sa television sa Amerika ang concert n’ya sa Paris nOOng Setyembre.
Sa May 17 ipalalabas sa ABC network sa Amerika ang concert n’yang City of Lover Concert! Ang oras ng pagpapalabas ay kasunod ng season finale ng hit show na American idol. Kinabukasan ay itatanghal din ‘yon online sa Hulu at Disney+.
Pahayag ni Taylor sa Twitter n’ya, “Excited to announce the City of Lover Concert! We filmed my show in Paris in September and thought it’d be fun to share.”
Sa 2021 na lang n’ya itutuloy ang mga concert sa US at Brazil.
Aniya pa, “I’m so sad I won’t be able to see you guys in concert this year, but I know this is the right decision.
“Please, please stay healthy and safe. I’ll see you on stage as soon as I can but right now what’s important is committing to this quarantine, for the sake of all of us.”
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas