Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madonna, nag-donate ng $1.1-M para sa anti-covid research

NAG-DONATE si Madonna ng $1.1-M sa isang foundation na pinamumunuan ng mag-asawang Melissa at Bill Gates na nagsasaliksik ng bakuna at gamot laban sa Covid-19, kasabay nang pag-amin n’yang siya mismo ay dinapuan ng virus noong huling linggo ng Pebrero habang siya ay nasa Paris.

Noong Abril pa ini-announce ng global Queen of Pop sa pamamagitan ng Instagram n’yang @madonna ang pagdo-donate sa Bill & Melinda Gates Foundations’ Therapeutics Accelerator Program. Gayunman, ngayon pa lang naibalita sa mundo ang pagkakasakit n’ya at pagdo-donate.

Dahil sa pagkakasakit n’yang iyon kaya isa lang sa tatlong naka-iskedyul n’yang concert sa Paris ang nagawa n’ya. Ilan sa staff ng concert n’ya ang dinapuan din ng virus.

Noong nagkasakit siya ay ‘di n’ya alam na ang novel corona virus ang nakadale sa kanya. Ang unang tawag n’ya sa naging sanhi ng pagkakasakit n’ya ay “anti-bodies.” Akala n’ya ay simpleng trangkaso (flu) lang ang dumapo sa kanila.

Nang malaman n’yang ang Covid-19 na sanhi ng pandemic ang umatake sa kanya, at napag-alaman din n’yang nakahahawa at nakamamatay ang virus, binago n’ya ang lifestyle n’ya para maprotektahan ang mga anak n’ya, pati na ang buong mundo.

Pahayag n’ya sa Ingles, “I must admit, it took me time to accept and process and modify my own lifestyle so I can protect the lives of my family, myself and the rest of the human race… I cannot express enough the importance of people taking this virus seriously.”

Binigyang-diin n’yang magaling na siya. Pero payo n’ya sa buong mundo, “I know many of you have heard this one trillion billion times. But I’m going to say it again: stay safe. Stay home. 

“Don’t panic. Fear will get us nowhere. I have faith in the human race that we are gonna pull through.”

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …