Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Pinoy dancers, hinangaan sa Britain Got Talent

POSITIBONG tumutunog pa rin ang magandang reputasyon ng mga Pinoy sa ibang bansa kahit walang kinalaman sa Covid-19.

Sa England (na kilala rin bilang Great Britain at United Kingdom) hinangaan ang Pinoy dancers na sina Ezekiel Vargas at Carl Magan sa performance nila sa audition sa Britain’s Got Talent.

Hinangaan sila sa nakasisigla at acrobatic na pagsasayaw ng sikat na kanta ni Tina Turner na, Proud Mary.

Pinalakpakan din sila nang husto ng live audience dahil sa mabilis na pagpapalit-palit nila ng costume habang nagsasayaw. Nag-standing ovation (tumayo bilang sinyal ng paghanga) ang audience.

May live audience sa audition na ‘yon na dahil idinaos ‘yon sa isang napakalaking studio bago pa kumalat ang pandemic na Covid-19. (Gaya ng America’s Got Talent, napaka-advanced ng taping ng Britain Got Talent).

Parehong lalaki sina Exequiel at Carl, pero ang isa sa kanila ay sumayaw bilang babae na siyang binubuhat-buhat, binabali-baliktad, pinaiikot-ikot sa pagsasayaw nila. At ‘yon ay si Carl.

Maaaring ‘yung sumasayaw bilang babae ay bading. Pero sa mga website report na naglabasan simula noong May 2, wala ni isa man sa mga ulat na nagsabing bading ang isa sa kanila.

Kahanga-hanga na ang pinahalagahan ng lahat ng mga ulat ay ang kamangha-mangha nilang pagsasayaw at pagpapalit ng costumes na hinahablot-hablot lang para matanggal at matambad ang isa pang costume. May isa pang punto na kumembot-kembot ang gumaganap na babae at unti-unting may tumaas na masikip na rainbow tube dress mula sa laylayan ng kasalukuyan n’yang suot na damit.

Para sa gustong mapanood ang kamangha-manghang pagsasayaw nina Exequiel at Carl, matutunghayan n’yo ito sa website ng ABS-CBN at ng dyaryong Inquirer.

Tinanggap ng apat na hurado ng talent contest TV show ang dalawang Pinoy para maging contestants. Kabilang sa apat ang sikat na sikat pero may reputasyong mataray na Simon Cowell. ‘Yung tatlo pa ay sina Amanda Holden, Alesha Dixon, at David Walliams.

Hindi binanggit sa mga website report kung pumunta sa England ang dalawang Pinoy mula sa Pilipinas para sumali sa talent contest o matagal na silang naninirahan sa England. Pero sa alinman sa website reports, ‘di sila tinawag na “British-Filipino.” Iniulat sila bilang mga Pinoy. Hindi pa inilalabas ang mga detalye sa kanilang dalawa.

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …