NAGPASALAMAT ang samahan ng mga mamamahayag na itinuturing na frontliners sa pagkokober ng mga balita sa Southern Police District (SPD) sa ilang donors na nagkaloob ng ayuda sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), bunsod ng pandemyang coronavirus 2019 (COVID-19).
Ayon kay Ariel “Dugoy” Fernandez, ang Pangulo ng Southern Metro Press Club (SMPC) dating Progressive Tri Media of Southern Metro (PTMSM), malaking tulong sa mga mamamahayag ang mga natanggap na ayudang food packs, bigas, at cash.
Kabilang sa pinasasalamatan ng SMPC ang Metro Pacific Tollways Corp., sa pamamagitan ni Mhanny Agusto, corporate communication specialist; Senator Bong Go; Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar; Act CIS party-list Representative Nina Taduran; Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, INC. (FFCCCII), at kasamahang reporter/businessman Mer Layson.
Nitong 31 Marso 2020, sa gitna ng pandemyang COVID-19, namahagi ng food packs sa mga barangay na sakop ng network ng expressways ang Metro Pacific Tollways Corp. (JAJA GARCIA)