Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, umaming may mental health issues

SA kauna-unahang pagkakataon, umamin si Julia Barretto na limang taon na siyang may mental health issues na pinagdaraanan. Inamin n’ya ito sa podcast n’ya habang kausap ang nakababatang kapatid na si Claudia.

“Anxiety attacks” ang bansag n’ya sa pinagdaraanan n’ya. Inamin n’yang sa tuwing iniisip n’ya ang anxiety attacks n’ya ay nagiging “emotional” siya.

Pasimulang lahad n’ya: “It’s such a sensitive topic. It’s like a part of me that absolutely nobody knows about… I do suffer from anxiety. 

“It’s something that I have suffered with for five years now. I think there are certain things that hit it or trigger it. I don’t know it’s just one day you get it.”

Inilarawan n’ya kung ano ang nangyayari sa kanya tuwing nagkakaroon siya ng anxiety attacks. Aniya: “When I get attacks, I can’t move. I can’t talk. I’m always just staring and I’m not aware anymore of what I’m doing or what others are doing. It’s like I am under this really, really dark cloud.” 

Problematic na sitwasyon para sa kanya tuwing nagkaka-anxiety attack siya. “People try to talk to me or talk me out of it. When they ask me what’s happening, it’s like my tongue can’t move. And it makes me so frustrated because you know when you’re trying to get a word out, even just one word, it won’t come out.”

Mas hirap nga umano siya kung inaatake kapag nagtatrabaho siya. Pagtatapat pa n’ya: “When there’s so many people and I have to be at my best entertaining, but your body and mind is totally saying ‘You can’t do this right now,’ and you have to force yourself out of your attack, it’s so hard. 

“When I get an attack in front of so many people at work, what adds up to my anxiety is, in my head, ‘They won’t understand. They’ll think I’m like this. They’ll think I’m bad. They’ll think I’m not minding them.’ It adds up and it makes me feel so much worse.”

Madalas nga siyang atakihin noon pa man, kaya natutuhan na rin n’yang ituring ang mga sandaling ‘yon bilang isang proseso ng pagkilala nang mas malalim sa sarili n’ya.

Paglilinaw n’ya pa, “I think I’ve grown a lot of awareness already of what happens to me when I’m getting an attack.”

Mabilis n’yang dugtong: “I’ve seen a life coach, I’ve attended groups where they talk about anxiety and they teach you how to deal with it. You also have to help yourself try to find out what works for you.” 

Hindi n’ya nilinaw kung ang “lifecoach” na pinatutungkulan n’ya ay isang professional psychiatrist o professional psychologist. Ilang taon lang ang nakararaan ay inamin ng tiyahin n’yang si Claudine Barretto na regular itong nakikipagkita sa isang psychiatrist dahil sa anxiety attacks n’ya na nagsimula n’yang danasin nang biglang namatay ang ex-boyfriend n’yang si Rico Yan habang nagbabakasyon sa isang resort sa Palawan.

Napag-usapan din nina Julia at Claudia sa podcast na iyon kung ano talaga ang nararamdaman n’ya tuwing may sinasabi ang mga tao tungkol sa kanya na hindi naman totoo. Mas matindi ang epekto sa kanya ng mga ganoong usapan ‘pag idinaramay ang pamilya n’ya.

Ngayong naipagtapat na n’ya ang mental health issues n’ya, magiging mas maunawain na siguro ang madla sa mga kilos n’ya. Siguro naman ay mag-iisip din muna ng dalawa o tatlong beses ang mga netizen na ang libangan ay i-bash siya lalo pa’t hindi naman si Julia ang idolo nila kundi ibang aktres na kaeded n’ya at karibal n’ya sa kasikatan.

Ang ulat na ito ay base sa isang report ng ABS-CBN News website noong umaga ng May 5. Kinagabihan ay nagsara na ang ABS-CBN dahil sa utos ng National Telecommunications Commission. Ang dahilan ng pagpapasara ay expired na ang broadcast franchise ng network gayung nakabimbin naman sa Kongreso ang Bill na magre-renew ng franchise.

Hindi tinalakay sa website report ang mga reaksiyon ni Claudia sa ipinagtapat sa kanya ng kanyang ate sa podcast na iyon. Mapapanood sa website ang buong podcast.

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …