BIGLANG titulada na si Yayo Aguila. Pero hindi sa kolehiyo, kundi sa Pinoy showbiz.
Siya na ang bagong Laplap Queen. Ang luma ay si Angel Aquino.
Iginawad kay Yayo ang titulo ng mga bading na tagasubaybay ng Pinoy showbiz sa masaya at makulay nilang buhay.
Sila rin ang naggawad kay Angel ng titulo nito pagkatapos nilang matunghayan ang aktres na bagamat 50-anyos na ay nakipaghalikan nang maraming ulit kay Tony Labrusca, 25, sa digital movie na Glorious. Sa iWant streaming platform pa lang naipalabas ang nasabing pelikula na idinirehe ni Connie Macatuno na isang indie filmmaker (bagama’t closely identified siya sa ABS-CBN).
Isinalin ng mga bading ang titulo kay Yayo para sa nag-Iisang eksena nito sa Fuccbois na isa sa mga entry sa Cinemalaya ng Cultural Center of the Philippines noong nakaraang taon (at dahil sa quarantine na bunsod ng Covid-19 na makaaapekto sa ating ekonomiya, maaaring ‘yon na muna ang huling Cinemalaya Festival).
May mga bading na eksperto sa computer graphics kaya may isa sa kanila ang nakagawa pa ng litrato na isinasalin ni Angel ang korona n’ya kay Yayo.
At ang kaisa-isang eksena na ‘yon ni Yayo ay ang pakikipaglaplapan kay Royce Cabrera, isang kabataang sa pelikula pa lang ‘yon naging isa sa mga pangunahing bituin).
Pero nakaw-atensiyon talaga ang eksenang ‘yon sa pelikulang idinirehe ni Eduard Roy, na ilang pelikula pa lang naman ang nagagawa bilang direktor.
Wala pang commercial theater screening ang Fuccbois, kaya lang biglang umingay ito ngayong panahon ng kwarentina ay dahil illegal na naipalabas ito sa Twitter at Facebook kamakailan.
Illegal dahil pirated copy ang ipinalabas. At karamihan nga siguro sa nakapanood ay mga bading na last year pa alam na ang pelikula ay tungkol sa sex worker na mga kabataang lalaki na ang mga pangunahing customer ay mga bading.
Alam ng mga bading na ‘pag tungkol sa sex workers ang pelikula, bukod sa sex scenes at may stage shows din sa pelikula na siguradong ang isa sa mga setting ay gaybar na naglipana sa Metro Manila, kabilang ang Malate.
Sa Fuccbois, ang stage show ay isang pageant contest na may motiff na kung ano-ano lang naman ang mga contestant na naka-swimming trunks lang o masikip na masikip at maikling-maikling shorts.
***
No regrets si Yayo sa pakikipaglaplapan
Nakaw-eksena ang pakikipaglaplapan ni Yayo kay Royce dahill showtime na nga at tinatawag na si Royce sa entablado pero nasa isang sulok pa siya ng gaybar dahil nga naglalaplapan pa sila ng girlfriend n’yang ginagampanan ni Yayo.
Ang talagang pangunahing bituin ng Fuccbois ay si Ricky Davao na gumaganap na isang mayamang politiko na lihim na bading. Kostumer siya ni Royce at ng isa pang kapwa sex worker-showboy sa istorya.
Alam na ni Yayo na siya na ang bagong Laplap Queen. Nakapanayam siya ng katoto sa panulat na si
Jerry Olea at lumabas ang interbyu kamakailan sa entertainment website NA
pep.ph.
Heto ang ilan sa mga saloobin ni Yayo tungkol sa bago n’yang titulo: “Hindi ko makuhang magalit, kasi totoo namang ginawa ko ‘yun sa eksena, and I have no regrets.
“I love our film, I love the character that I played, and I’m proud na ginawa ko ‘yun.
“Kasi, mahal ko ang trabaho ko.
“Sa buhay, anuman ang trabaho mo, anuman ang task mo, dapat gawin mo nang tama at ibigay mo ang best mo.
“‘Yan dapat ang mindset.”
Sandamukal na bading ang nainggit sa kanya.Mas gusto ng mga bading ang karakter niya rito, kaysa character ni Ricky.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas