HINANGAAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang kanyang mga tauhan sa ginawang pagtulong matapos saklolohan ang manganganak na ina na walang masakyang patungo sa ospital, sa Navotas City, kamakalawa.
Nasa mabuting kalagayan na ang nanganak na kinilalang si Ms. Cabisas at ang sanggol sa Tanza Lying-in Clinic na matatagpuan sa Sampaguita St., Navotas City.
Kamakalawa, nadaanan ng mobile patrol ng Navotas Police ang buntis at kasama nito sa Barangay Tanza 2, Navotas City .
Tinugunan nina P/EMSgt. Caisip, P/Cpl. Gergmar Arconcel at P/Cpl. Harry Alejandro ang hiling na madala si Cabisas sa ospital ngunit ilang minuto lamang ay iniluwal na ang sanggol mula sa sinapupunan habang sakay ng patrol car.
Agad dinala sa nasabing lying-in clinic si Cabisas para sa medical intervention.
Pinuri ni NCRPO Chief ang naging aksiyon ng mga tauhan ni Navotas police chief, P/Col. Rolando Balasabas sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa oras ng kagipitan.
“I am proud of these police officers for the assistance they have given. It is such a rare opportunity to protect the life of a gift from heaven — a baby. We are glad that the mother and her child are safe and sound. This incident proves that our public can trust and rely on our Metro cops for we are bound to serve and protect our people beyond our mandated tasks,” pahayag ni Sinas.
(JAJA GARCIA)