Sunday , November 17 2024

Lea, natalbugan nga ba ni Regine sa duweto nila?

NAKARATING na kaya kay Lea Salonga ang mga puna na natalbugan siya ni Regine Velasquez noong nag-duet sila sa home digital concert ni Mrs. Ogie Alcasid na One Night with Regine Velasquez noong gabi ng April 25 na inabot ng halos tatlong oras?

Malamang ay hindi–puwera na lang kung ‘yung mga nagpo-post ng ganoon ay pinadadalhan ng kopya ng komentaryo nila si Lea.

At kung nabasa na ‘yun ni Lea, malamang ay ‘di n’ya patulan dahil alam naman n’yang ang mga opinyon ay mga opinyon lang na ‘di na makaaapekto sa estado ng career n’ya bilang mang-aawit–at iilan lang na Pinoy ang nasa ganoon ding estado. Definitely, wala sa ganoong estado ang singing career ni Regine.

Si Lea ang the one and only guest ni Regine sa concert n’yang ‘yon. Lahad nga ng tinaguriang Birit Queen ng bansa sa pag-i-introduce n’ya kay Lea: “I’m very excited about this part of the show, because I think first time mangyayari ito sa show ko na makakasama ko siya. It was so exciting noong inaayos po namin ito, we were hoping…kasi wish ko talaga…gusto ko talaga siya ‘yung maka-duet ko, siya lang ‘yung guest. 

“Hindi kami sure kung o-oo siya. Siyempre kasi busy din siya, marami din siyang ginagawa ngayon, marami rin siyang tinutulungan not here but internationally pa. I am so honored and I feel so blessed that she said yes.”

Nag-duet sila for seven minutes lang. Ang binanatan nila ay medley ng Broadway standards na kinabibilangan ng I Don’t Know How To Love Him (mula sa Jesus Christ Superstar), What I Did For Love (A Chorus Line), Someone Like You (Jekyll And Hyde). Lahat ay tungkol sa pagmamahal na mas matindi pa sa pag-ibig.

Paano nila binuo ang medley?

Ayon sa report ng Mega magazine online: “the incomparable icons of music sang…perfectly underscoring how the beauty of love knows no boundaries and prejudice, especially at a time like this. While it may have been just seven minutes of pure, unadulterated musical precision and rigor,  the two blended so seamlessly, letting each other shine when it was their time to. In the soaring and swelling union, it became clear that this needs to be fully fleshed out in a space and production befitting their larger-than-life and legendary statuses.”

Hindi sila nagsapawan, kaya’t paano masasabing natalbugan ni Regine si Lea?

Sa dulo ng deskripsiyon ng duet na ‘yon, tahasang sinabi ng manunulat (na si Angelo de Cartagena) na ‘yon ay isang duweto na ang taginting at pagsasanib ng mga boses nina Regine at Lea ay malinaw na nagpapahayag na dapat mabuo ‘yon sa mas malaking produksiyon na mas angkop sa mga estado nilang mas malaki pa kaysa buhay (larger than life) at mala-alamat na (legendary).

Pagkatapos ng duweto na ‘yon, ano naman ang naging pahayag ni Lea?

Isa roon ay ang hangad n’ya na makapagsama sila uli sa isang concert sa mas malaking lugar, mas malaking produksiyon, may live orchestra, at live audience.

Pero pagtatapat muna niya: “Singing with you was hard, but because it was your birthday, and because you asked, as in ikaw mismo ‘yung nag-request that I sing this with you, I couldn’t say no to a birthday request. 

 “My God, it’s hard to sing with you—but I mean that only in the best way. You still sound the way you always did, but because of what you’ve been through in life, there’s so much color to your interpretations, and to your vocal quality, and to just everything about you. You are one of the funniest people that I know. You have…one of the most amazing voices that I’ve heard.”

Halos walang patlang na dagdag n’ya: “I love you, and the next time you and I sing together again, it should be in person, with full-on glam, and full-on gowns…in a much bigger venue than this. I’m talking concert hall, stadium, an arena, something. And it will be fun.”

Abangan natin ang mas malaking konsiyerto na ‘yon ‘pag wala nang corona virus, wala nang community quarantine. Hayaan na muna natin ang ilan na nagsabing tinalbugan ni Regine si Lea. Mas mahilig ang mga ‘yon sa pamimintas, kompetistong walang kabuluhan.

Ang 50th birthday concert na ‘yon ni Regine ay fundraising para sa Bantay Bata 163 na proyekto ng ABS-CBN Foundation na kumukupkop, nag-aaruga, nagpapaaral hanggang sa kolehiyo sa mga batang lansangan. May village sila sa isang lugar sa Metro Manila na siguradong walang mga negatibo at pessimistic na mga tao.

Nakalikom nga pala ng P4.2-M ang online concert.

Noong sumunod na araw, sa isang online international fundraising show naman kumanta si Lea, at ito ay ang Take Me to the World: A Sondheim 90th Birthday Celebration,na ang mga umawit ay kinabilangan nina Josh Groban, Jake Gyllenhaal, Neil Patrick Harris, Meryl Streep, at Ben Platt. 

Si Sondheim ay ang composer ng mga kanta sa mga musical na gaya ng West Side StoryInto The Woods, at Sweeney Todd na gumanap si Lea sa pagtatanghal nito sa Solaire Hotel dito sa bansa noong nakaraang taon.

Si Lea ang nag-iisang Pinay na nakasali sa line-up ng performers. Inawit n’ya ang Loving You mula sa musical na Passion na itinanghal na rin dito sa atin noong nakaraang taon.

 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *