Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lito Camo, may mga bagong kanta tungkol sa Covid-19 at ECQ

BALIK-AWITIN muna si Lito Camo na dating sikat na sikat sa novelty compositions n’yang pinasikat noon ng Sex Bomb dancers at nina Willie RevillameManny Pacquiao, at Bayani Agbayani.

 

May mga komposisyon na rin siya tungkol sa Covid-19 at community quarantine. Kamakailan ay inilunsad n’ya sa Facebook account n’ya ang isang kanta na batay sa sarili n’yang karanasan.

 

May kumatok umano na isang lalaki sa tarangkahan ng bahay n’ya rito sa Metro Manila. ‘Di n’ya kilala ang lalaki at gusto sana n’ya munang kastiguhin ‘yon kung paano siya makapasok sa subdivision, at kung paano n’ya natukoy ang bahay ng composer-singer.

 

Pero agad na raw nagsumamo sa kanya ang lalaki na pautangin siya maski isang gatang lang na bigas na mailulugaw dahil ‘di pa nag-aalmusal at nanananghalian ang pamilya nito gayung 4:00 na ng hapon. 

 

‘Di na itinuloy ni Lito ang pagtatanong. “Sandali lang, pupunta ako sa kusina,” pag-aalo n’ya sa estranghero.

 

Madali naman siyang nakahanap ng plastic bag sa kusina, nilagyan ng maraming bigas na ‘di na n’ya sinukat, maraming itlog, at kung ano-ano lang na mga delata na nasa kusina nila.

 

Iniabot n’ya agad sa lalaki at sinabing umuwi na siya agad para makakain na ang mga anak n’ya.

 

Naantig nang husto ang batikang composer sa karanasan n’yang iyon kaya’t agad din siyang nakabuo ng simple pero nakaaantig-damdamin ding awitin.

 

Ipina-video n’ya ang sarili n’ya na kinakanta ‘yon na ang saliw lang ay ang kanyang gitara. It’s very raw and moving, ‘ika nga. At na i-post na n’ya ‘yon sa FB n’yang @LpcLitoCamo.

 

Wala pang titulo ang komposisyon. Pero malamang na Tao Po! Tao Po! ang maging titulo niyon. Ilang ulit binanggit ang mga katagang ‘yon sa awitin. Pakinggan n’yo, at mahihinuha n’yo na may iba pang kahulugan ang ekspresyon na Tao Po.

 

Bago nga pala makaalis ang estrangherong ama, nabanggit n’ya kay Lito na kailan kaya sila madaratnan muli ng relief goods at kung masasali sila sa social amelioration program. Inulit ni Lito ang tanong na ‘yon sa dulo ng komposisyon n’ya. 

 

Samantala, sa paggu-Google namin tungkol kay Lito, nadiskubre naming may commercially recorded song na rin pala siya tungkol sa Covid-19 at nasa You Tube channel ito ng Vehnee Saturno Music.  Panawagan ang titulo ng kanta.

 

Oo nga pala, kung babasahin n’yo ang biography ni Lito sa Wikipedia, madidiskubre n’yong noon pa siya gumagawa ng mga kantang mulat sa realidad ng paghihikahos pero sa naughty novelty songs siya sumikat nang husto.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …