Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn B, Paulo Avelino nagbasa ng tula para sa frontliners

MUKHANG dahil kina Kathryn Bernardo at Paulo Avelino ay magsisimulang magkahilig ang mga tagasubaybay ng showbiz sa “spoken word.”

 

Pero puwede ring sabihin na dahil sa covid-19 at sa extended community quarantine (ECQ) ay magkakaroon ng unang karanasan ang ilang showbiz followers sa pakikinig/panonood sa isang spoken word performance.

 

‘Yung mga sumubaybay noon at sumusubaybay ngayon sa On the Wings of Love’ nina Nadine Lustre at James Reid sa ABS-CBN 2 ay maaaring naaalaala pa ang bar scene sa serye na nagpe-perform si Juan Miguel Severo ng Spoken Word piece n’ya na Kapag Sinabi Kong Mahal Kita.

 

Isang estilo lang ‘yon ng pagpe-perform ng Spoken Word para sa live audience. Pabago-bago ang emosyon ng mahahabang Spoken Word na nilikha para sa performance sa harap ng audience. May iba pang estilo ng pagde-deliver ng mga ganoong literatura.

 

Hiwalay na nag-record sina Kathryn at Paulo kamakailan ng spoken word piece na Bituin na ang nagsulat ay ang Spoken Word artist na si Carlo Hornilla. Isinulat n’ya ‘yon para maging tribute ng MET Tathione sa frontliners.

 

Ang bersiyon ni Kathryn ay matutunghayan sa Instagram ng aktres na @bernardokath. Ang kay Paulo ay nasa Facebook page ni Carlo na ang buong pangalan pala ay Carlo Bonn Felix Hornilla.

 

Sikat na writer at performer ng Spoken Word sa Filipino/Tagalog si Carlo (na rati ring nagsusulat sa Ingles).

 

Bagama’t “poem” (tula) ang bansa ng ilang websites sa binasa nina Kathryn at Paulo ng hiwalay, hindi tula ang turing ni Carlo sa maikling piyesang ‘yon kundi “kuwento.” “Narrated by Kathryn Bernardo” at “Narrated by Paulo Avelino” ang nakalagay sa credits ng dalawang artista.

 

Actually, hindi nakikita sa video ng Bituin sina Kathryn at Paulo pero mararamdaman n’yo sila nang husto sa lamlam at napakapinong speaking voice nila.

 

Pero sana ay pagawain pa sila ng tig-isang bersiyon ng parehong piyesa na masaya ang pagpupuri sa mga frontliner. Dapat ipagdiwang ang kanilang kabayanihan. Hindi ipagluksa.

 

Pero pakinggan n’yo ang kanya-kanyang rendisyon nina Kathry at Paulo, at  kayo na ang humusga.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …